Rufa Mae: Gustung-gusto ko rin naman sa US pero wala akong kausap du’n, nosebleed na nosebleed ako everyday!

Rufa Mae Quinto, Trevor Magallanes at Athena

KUNG siya ang papipiliin, mas gusto pa rin ni Rufa Mae Quinto ang manirahan dito sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kamag-anak at mga kaibigan.

Wala naman daw talaga sa plano niya ang manatili nang matagal sa Amerika kasama ang anak at ang asawang si Trevor Magallanes pero doon nga sila inabot ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa komedyana, totoong hindi naging madali ang buhay niya sa Amerika noong kasagsagan ng pandemya dahil bukod sa pagiging asawa at ina, mag-isa lang din siyang nag-aasikaso ng lahat ng pangangailangan nila sa bahay.

“Oo. Na-pandemic ako, ‘di ba? Na-lockdown, lock-in, lahat ng klaseng lock, pati padlock,” sabi ni Rufa Mae sa vlog ni Toni Gonzaga.

Aniya, wala naman talaga siyang planong manirahan sa Amerika, ang nais lamang niya ay bisitahin ang asawa, “May green card na kasi ako, kasi dati ayaw ko talagang tumira doon. Kumbaga, gusto ko lang doon dahil pupuntahan ko ang asawa ko, ganyan, kasi wala akong career doon.

“Kumbaga, hindi ko alam kung paano magsisimula sa ibang bansa na hindi mo naman kinalakihan ‘di ba?, hindi ka naman tagaroon,” aniya pa.


Dagdag pa niya, “At that time, wala pa namang lockdown, na-feel ko lang mag-extend ng mas matagal kasi sabi ko, matagal ako bago bumalik ulit ng Amerika kasi mag so-soap opera na ako dapat. ‘yung tipong three months or six months, ‘di ba, ganu’n ang soap, mahaba?

“So sabi ko, hindi na kami masyadong makababalik sa Amerika, sulitin ko na. Tapos ‘yung sinabi ko na sulit na ‘yun, biglang nag-lockdown nga. Kumbaga, March 21, March 19 nag-lockdown na ang lahat. Tumatawag ako sa telephone ng mga flight and all, wala. Tapos sarado na nga lahat,” lahad ng komedyana.

“So, sabi ko, sige, dito na lang muna, hindi ko rin alam gagawin ko doon pati si Athena, umiiyak-iyak din, dahil siyempre hindi rin naman siya tagaroon din,” aniya pa.

At ngayong nasa bansa na uli siya, balak ni Rufa Mae na magtagal muli rito para mas marami siyang magawang proyekto sa GMA bilang bahagi na siya ng talent management ng Kapuso Network na Sparkle.

“Na-miss ko na talaga ang Philippines lalo na ang showbiz, yun talaga ang unang-una at ang GMA 7 tapos yung anak ko gusto niya rito at gusto ko ring mag-Tagalog siya and gustung-gusto ko rin naman sa Amerika pero wala akong kausap nosebleed na nosebleed ako everyday,” natatawa namang chika ni Rufa Mae sa presscon ng bago niyang comedy show sa GTV na “TOLS.”

Ipinagdiinan ng Kapuso comedienne na parang hindi raw kumpleto ang buhay niya kapag wala siya sa showbiz.

“Hindi lang ito ang purpose ko in life, parang hindi kumpleto ang buhay ko na mag-alaga lang sa anak. I said there’s more to it. Kaya pagbalik ko biglaang may contract ito nga yung TOLS,” masayang sabi ni Rufa Mae.

https://bandera.inquirer.net/292002/rufa-mae-sa-epekto-ng-pandemya-parang-naging-horror-film-ang-buhay

https://bandera.inquirer.net/285441/rufa-mae-iyak-nang-iyak-hirap-na-hirap-ako-nung-una-parang-end-of-the-world-na
https://bandera.inquirer.net/285207/ganito-pala-maging-nanay-ang-sarap-ang-saya-pero-ang-sakit-din

Read more...