Pamilya ni Carmina nagluluksa sa pagpanaw ng ama; Mavy, Cassy may pa-tribute sa kanilang lolo

Reggie Villarroel at Carmina Villarroel

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya nina Carmina Villarroel sa pagpanaw ng kanyang amang si Reggie Villarroel ngayong araw, June 7.

Ibinahagi ng TV host-actress ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang lumang litrato ng kanyang mga magulang.

Ayon kay Carmina, makakapiling na ngayon ng kanyang tatay ang namayapa na rin niyang inang si Menchu Villarroel.

“Daddy Regy you’re reunited with Mommy Menchu. Your one and only. Your first and last. (heart emojis),” ang nakasaad sa IG post ng asawa ni Zoren Legaspi.

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay at dasal sa comments section ng IG post ni Carmina mula sa kanyang followers kabilang na riyan ang mga kaibigan niyang celebrities.

Ilan sa mga nagpaabot ng kanilang pakikiramay ay Marian Rivera, Gelli de Belen, Darren Espanto, Sherilyn Reyes, Kyline Alcantara, Marjorie Barretto at marami pang iba.


Nag-post din ng kanyang message  para sa kanyang lolo na tinawag niyang “Daddy Groovy” at sinabing  nagkaroon daw ng isa pang anghel sa langit dahil sa pagpanaw ng kanyang lolo.

Ayon kay Mavy, “Heaven gained an Angel. (heart emoji). I love you, daddy groovy. thank you for loving your apos!

“Drink all the beer with popsy over there for me. cheers!

“We love you. thank you for fighting,” pahayag pa ni Mavy.

May ipinost din sa IG si Cassy na litrato ng lolo na may caption na, “The strongest man I know. I love you forever daddy Groovy.”

Matatandaan naikuwento ni Carmina sa isa niyang vlog noong Pebrero, ang isa sa mga dahilan kung bakit biglaan ang pagpapakasal nila ni Zoren Nov.15, 2012.

Sabi ni Zoren, “I guess, your walking sa aisle, nakita ko yung… naiyak ako.

“Alam naman nila na surprise kasi yun, and isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Reggie, bibigyan ng hip replacement,” sabi pa ni Zoren.

Sey pa ng aktor, wala raw si Carmina noong mag-usap-usap sila ng mga doktor ni Daddy Reggie at ng ilang kamag-anak ng aktres.

Ang sabi raw ng doktor sa kanila, “Kapag ginawa yun, 50/50 si Daddy Reggie dahil sa age niya.”

“Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na hindi mawi-witness ni Daddy Reggie, useless, kasi wala na mama mo.

“Tapos pag naglakad ka dun, wala pa Daddy Reggie mo, so for me useless siya. Kaya isa yun sa mga biggest triggering factor kung bakit ko minadali yung kasal na yun,” aniya pa.

Dagdag pangv pahayag ni Zoren, ito ang rason kung bakit ang paglalakad ni Carmina sa aisle ang isa sa favorite part niya sa wedding nila ni Carmina.

“Kapag pinanood nila yun, marami silang makikitang emotions na ipinakita mo sa paglalakad mo na yun, napakadami.

“Kaya isa yun sa mga pinakapaborito ko. Isa sa paborito ko dahil andun si Daddy Reggie,” kuwento pa ni Zoren.

https://bandera.inquirer.net/313733/carmina-sa-kambal-na-anak-di-ko-sinasabing-maging-perfect-kayo-pero-alam-nyo-na-siguro-kung-ano-ang-right-and-wrong

https://bandera.inquirer.net/306812/zoren-carmina-nagkaiyakan-nang-balikan-ang-mabilisan-nilang-wedding-hindi-kami-prepared
https://bandera.inquirer.net/309244/carmina-naisipan-nang-mag-quit-sa-showbiz-at-manirahan-sa-us-bahala-na-si-batman-kung-ano-ang-gagawin-ko-doon

Read more...