Jamie Evangelista love na love pa rin si Baron pero may hugot sa ‘cheating’; na-highblood sa asawa ni Moira

Jamie Evangelista at Baron Geisler

KAHIT nagkalamat na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, nananatili pa rin ang pagmamahal at respeto nina Baron Geisler at Jamie Evangelista para sa isa’t isa.

Hindi magkasama ngayon sa iisang bubong ang married couple pero ayon kay Baron, tuloy pa rin ang communication nila para pag-usapan ang pangangailangan ng kanilang anak.

Kasalukuyang sumasailim si Baron sa isang rehab program ng Alcoholics Anonymous matapos bumalik ang kanyang bisyo sa pag-inom.

Aminado naman ang magaling na aktor na kailangang karirin niya ang kinuhang 12-step program para muling maibalik ang “Baron Geisler” na pinakasalan ni Jamie Evangelista.

Nitong nagdaang weekend, pinatunayan nga ni Jamie na mahal na mahal pa rin niya ang asawa sa pamamagitan ng kanyang birthday message para rito.

Sa Instagram idinaan ni Jamie ang mensahe para sa 40th birthday ng asawa last Sunday, June 5, kalakip ang sweet photos nila together na kuha mula sa mga vacation trips nila nitong mga nagdaang taon.

“Happy Birthday, Daddy B! In life’s sunshine or rain, just ride the waves and keep swimming.

“I know you are trying your very best. Better days are coming, just trust God’s plan. We love you but for now we will enjoy the beach for you!” ang caption ni Jamie sa kanyang IG post.


At dahil nga rito, marami ang nagkomento na hindi imposibleng makaroon ng part 2 ang love story nina Baron at Jamie. Ramdam na ramdam daw kasi nila na super love pa rin nila ang isa’t isa.

Sa huling panayam namin kay Baron, inamin nga niya na unti-unti niyang inaayos ang relasyon nila ni Jamie at umaasa siya na darating din ang takdang panahon na magkakasama-sama uli silang pamilya.

“Jamie and I followed the advice of our sponsors to take a break and seek treatment as we renew our efforts to each work on our 12-step program.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,” sabi ng aktor.

Ikinasal sina Jamie at Baron sa isang civil ceremony noong September, 2019 at biniyayaan ng isang anak, si Talitha Cumi na isinilang noong January, 2020.

Samantala, may cryptic post naman si Jamie sa kanyang social media account patungkol sa isyu ng cheating kung saan nabanggit pa niya ang pangalang “Moira.”

“Cheating isn’t always physical, flirting, or kissing. If you’re texting a woman and your partner is uncomfortable with it, but you think it’s more important for you to keep the other woman’s friendship, that’s emotional cheating,” ang nakasaad sa quote card na ipinost ni Jamie sa IG.

Aniya pa, “Daghan nasad mga asawa na high blood aning bana ni Moira, isa na ko. Ka mga piste! (Ang dami nang mga misis na na-high blood sa asawa ni Moira, isa na ako dun. Ang mga bwisit!).”

Wala namang binanggit si Jamie kung sino ang pinatutungkulan niya sa nasabing hugot post.

https://bandera.inquirer.net/310554/baron-balik-sa-pagbibisyo-asawang-si-jamie-napuno-na-grabe-ang-pag-relapse-niya-lately

https://bandera.inquirer.net/311941/baron-hiwalay-muna-sa-asawa-habang-ginagamot-ang-pagiging-alcoholic-may-hugot-sa-soft-porn
https://bandera.inquirer.net/292678/baron-geisler-nawalan-ako-ng-diyos-feeling-ko-kasi-ako-yung-pinakamagaling

Read more...