Moira sinisisi rin ang sarili sa paghihiwalay nila ni Jason: Saan ba ako nagkulang…saan ako nagkamali?

Jason Hernandez at Moira dela Torre

SINISISI rin ni Moira dela Torre ang sarili sa nawasak na married life nila ng nakahiwalay na asawang si Jason Marvin Hernandez.

Aminado ang Kapamilya singer-songwriter na napapaisip din siya kung bakit magwakas agad ang pagsasama nila ni Jason bilang mag-asawa makalipas lamang ang tatlong taon.

Ito’y sa kabila nga ng pag-amin ni Jason na naging “unfaithful” siya kanyang asawa base na rin sa joint statement na inilabas nila noong May 31.

Ayon kay Moira, iniisip din niya kung meron din siyang pagkukulang bilang asawa kaya nagkaroon ng lamat ang kanilang pagsasama hanggang sa tuluyan na ngang masira ang tiwala nila sa isa’t isa.

Kaninang umaga, June 6, sa episode ng “Magandang Buhay” tinanong si Moira ng host na si Regine Velasquez kung sinisisi niya ang sarili sa nangyari.


Diretsong sagot ng singer, “Sobra. Sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging yun ang initial reaction ko, e.

“I always say, ‘What did I do wrong?’ So, especially now, ‘Saan ba ako nagkulang?’ Dati, akala ko, yung paubaya kanta ko lang,” ani Moira na ang tinutukoy ay ang kanta niyang “Paubaya.”

Aniya pa, “Pero tinatanong naman talaga natin yung sa sarili natin saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang, hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman.”

“I also know na God makes all things beautiful in His time. And yun talaga ang pinanghahawakan ko, na I may feel like a broken glass right now, but God will make me a diamond again. And I know I’ll be whole again. I know he’ll (Jason) be whole again,” pahayag ng Kapamilya star.

Dugtong pa niya, “And because He is with me, I can forgive. Dahil may Diyos ako sa buhay ko, malaya ako.”

Nabanggit din ni Moira na hindi talaga niya na-imagine na maghihiwalay sila ni Jason, “Siguro po ngayon, I’m in a season na hindi ko nakita.”

Dito naikuwento nga ni Moira na binigyan siya ng journal ng kapwa niya “Idol Philippines” judge na si Regine, “Binigyan kasi ako ni Mama Regs ng journal, then mahilig akong magplano. Kumbaga, wala ito (breakup) sa plano.”

Sabi pa ni Moira, na-realize niya na habang “nagluluksa” siya sa breakup nila ni Jason, pwede na niyang isabay ang pagmu-move on.

“Kasi dito ko nakikita na puwede pa lang magsabay yung grieving, pati yung healing. Na parte pala nung grieving yung healing. Na puwede pa rin pala akong maka-experience ng joy sa umaga, kahit umiiyak ako sa gabi.

“And I didn’t expect it to be like this, but I realized na yung what the enemy for harm, the Lord turns into beautiful things,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/315025/moira-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-jason-while-our-marriage-was-not-perfect-i-have-stayed-true-to-my-vows

https://bandera.inquirer.net/314790/jason-hernandez-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-moira-dela-torre-im-sorry-for-everyone-i-hurt
https://bandera.inquirer.net/315042/vice-ganda-sinupalpal-ang-netizen-na-sinabing-susunod-na-siya-kay-moira-na-makikipaghiwalay

Read more...