Lola ni Herlene Budol pumanaw na: Napakasakit ang makita siyang nagdurusa sa mga huling oras niya

Herlene Budol at Nanay Bireng

ILANG oras lang ang nakalipas matapos humiling ng panalangin ang Kapuso star na si Herlene Budol para sa lolang may sakit, ibinalita niyang namaalam na rin ito ngayong araw.

Nagluluksa ang TV host-comedian pati na ang kanyang pamilya sa pagpanaw ni Lola Bireng kaninang umaga, June 6, 2022.

Ibinahagi ni Herlene ang malungkot na balita sa kanyang Instagram account kalakip ang litrato ng yumaong lola na nakahiga sa kama ng ospital kung saan siya naka-confine.

Narito ang inilagay na madamdaming caption ng komedyana at Binibining Pilipinas candidate sa IG photo ng pinakamamahal na lola.

“Nanay Bireng ko (crying emojis), ito ay isang post na mahirap para sa akin na isulat…nawala na ang aking pinakamamahal na lola ngayon lang umaga 9am 6-6-22 at mamimiss kta ng sobra.

“Sya ay isang special na babae at ang pagkawala sa kanya ay lubos na nararamdaman ng marami, even though she lived a full life.

“Sa naka lipas ng isang buwan, matapang siyang lumaban sa kidney failure at sakit due to ageing ay marami na rin komplikasyon tulad ng High blood, diabetic at pneumonia at ang pinaka masakit ang makita siyang nag durusa sa mga huling oras na iyon ay napaka hirap (crying emojis).

“Nanay ko…nangako ka kay @sirwil75 makakapunta kayo ni Tatay Oreng sa Binibining Pilipinas Coronation nyt ko,” mensahe pa ng dalaga kasunod ang napakarami pang crying emojis.

Nauna rito, nag-post pa nga si Herlene kagabi sa IG kung saan nanawagan siya sa netizens na ipagdasal si Nanay Bireng dahil nasa kritikal na itong kundisyon.


“Dear Lord, nais ko lamang dalhin sa iyo ang aking mahal na lola si Nanay Bireng dahil sya ay may sakit at hinihiling ko lamang sa panginoon, na hawakan mo sya ng iyong mga kamay na nagpapagaling at ibalik sya sa buong kalusugan at lakas.

“Lord, alam ko rin na tumatanda na siya at medyo malubha ang lagay nya ngayon. Pilit kong e ahon ang buhay ko para din po sa kanila.

“Gusto ko rin makabawi at mabigyan at maranasan nila ang magandang buhay dahil sila ni lolo kung tawagin ko Tatay Oreng ang nag aruga sa akin ng dalawampu’t dalawa taon sa mundo,” dagdag mensahe pa ni Herlene.

Sa huli, nakiusap nga siya sa kanyang mga tagasuporta, “Mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan…

“Humingi ako sa inyo ng prayers para kay Nanay Bireng ko dahil naniniwala ako pag maraming Prayer warriors maririnig din tayo sa itaas,” pahayag pa ni Herlene Budol.

https://bandera.inquirer.net/315245/herlene-budol-humiling-ng-dasal-para-sa-lolang-may-sakit-mga-kahiponatics-humihingi-ako-ng-prayers-para-kay-nanay-bireng

https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka

https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality

 

Read more...