Andrea: Maraming tao na hindi ka maiintindihan, kahit good intentions ’yan puwede pa rin nilang maliin

Andrea Brillantes

TEN years na ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa mundo ng showbiz pero ngayon pa lang niya naiintindihan ang ilang mga bagay-bagay sa mundong ginagalawan niya.

Sa loob daw ng isang dekada ng kanyang pag-aartista, napakarami na niyang pinagdaanang pagsubok pero hindi raw siya sumuko at nagpatalo sa mga taong sumisira at nambabagsak sa kanya.

Sa panayam ng Mega magazine sa dalaga, naibahagi niya ang ilang mahahalagang detalye sa naging journey niya sa entertainment industry, kabilang na nga riyan ang pagpapakatatag niya kontra mga haters sa social media.

Sabi ni Andrea, nu’ng unang pagsabak niya sa showbiz, hindi pa siya aware sa “bashing” dahil nga nagsimula siyang maging artista sa murang edad.

“When I was younger kasi, puro lang ako love, happiness and positivity. Never ko inisip ’yong mga bashing, kasi nga di naman ganoon ang tingin ko sa mundo,” pahayag ng girlfriend ni Ricci Rivero.


Pero sa paglipas ng panahon, unti-unti niyang na-realize na in real life may mga kontrabida pala talaga sa buhay ng isang tao. Isa nga si Andrea sa mga young celebrities na biktkma ng cyber bullying ngayon sa socmed at iba pang digital platforms.

“Maraming tao na hindi ka maiintindihan. Maraming tao na ’yung actions mo kahit good intentions ’yan, puwede pa rin nilang maliin,” pahayag pa ng young actress.

Patuloy pa niyang pahayag, “Kahit 10 years na ako sa industry na ito, ngayon lang ako natututo. Ngayon ko lang din talaga ina-absorb ’yong mga advice ko sa sarili ko at ng ibang tao.”

Sa isang hiwalay na panayam noon kay Andrea, inamin niya na talagang naaapektuhan siya sa mga sinasabi ng bashers laban sa kanya pero natutunan na raw niyang tanggapin na ang mga haters ay parte na ng buhay natin.

Sabi nga niya sa isa niyang vlog, “Para mas masaya, kakain ako! Kasi ayokong ulamin ang mga nega vibes ng mga tao.

“Meron kasi akong tinweet. Sabi ko ‘wag na kayong mambash.’ Pero kasi, nakita nyo siya in a bad way kahit na kaklaro naman ng tweet ko na ang point ko is ‘wag na lang mambash!’” sey ng dalaga.

May mga nagsabi pa sa kanya na layasan na lang ang showbiz, “Ang dami ng beses na gustong-gusto ko na kasi, promise. Akala niyo ang dali-dali. Ang hirap-hirap, lalo na kung breadwinner ka.

“Hindi lang kasi kapag nahirapan ako ay quit na. Alam mo ‘yon, kapag binash niyo ako lahat ay quit na,” sabi pa niya.

May nagsabi pa sa kanya na sobrang yabang at maangas, “Oh my God! Insecure and feeling superior and mayabang? Sa stage kasi, kailangan mong maging confident, eh.

“Paano naman ako nagiging superior dun, wala naman akong ginagawa? Paano ako nagiging mayabang? Kapag feel na feel ko lang sarili ko sa stage?” katwiran pa ni Andrea.

https://bandera.inquirer.net/302938/andrea-brillantes-sinupalpal-ang-basher-huwag-kang-umasta-na-alam-mo-lahat

https://bandera.inquirer.net/283032/payo-ni-andrea-sa-mga-minalas-sa-lovelife-magdasal-nang-taimtim-at-iwasang-maging-nega
https://bandera.inquirer.net/289906/andrea-ilang-beses-nang-nagbalak-mag-quit-sa-showbiz-ang-hirap-hirap-lalo-na-kung-breadwinner-ka

Read more...