MUSIKA ang naging panlaban ng Kapamilya singer-actress na si Maris Racal sa naramdamang takot at anxiety noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Habang pataas nang pataas ang bilang ng tinatamaan ng killer virus noon at patindi nang patindi ang pangamba ng sambayanang Filipino, nakahanap naman si Maris ng pagkakataon para makapag-compose ng mga kanta.
In fairness, apat na original songs ang naisulat ng girlfriend ng OPM icon na si Rico Blanco sa gitna ng health crisis na nakatulong nang malaki sa kanyang mental health.
Sa kanyang Instagram post, nabanggit ng Kapamilya actress na nakaramdam uli siya ng positive vibes at nagkaroon ng pag-asa habang may pandemya nang mapakinggan ang kanta ng ilang paborito niyang international artists.
“When the pandemic happened, sobrang worried ako for so many things and that’s when i started listening to kpop, AG, and Lady Gaga.
“It saved me. It gave me a new world and a sense of normalcy in my life,” pahayag ni Maris sa kanyang IG post.
Hindi lang daw siya sinagip ng mga nabanggit niyang music icons kundi ang mga ito rin ang nagsilbing ispirasyon niya sa paggawa ng kanta.
“I thought ‘hey I want that and I’d also love that for my fans.’ I have some songs in the vault that I’m sure they’d love.
“That’s when I released Ate Sandali, Pumila Ka and Asa Naman. I also just released my latest single Di Papakawalan and I’m so happy with how you guys are receiving it,” aniya pa.
Ibinalita rin niya ang pag-release ng dalawa pa niyang kanta sa ginagawa niyang album — isa sa June 9 at ang isa naman at sa June 11.
“The song I’m gonna release on the 9th has a special place in my heart. (as a drama queen, umiyak ako while writing it haha) abangan niyo pls! and new song ulit on the day my album will be launched this coming june 11,” sabi ni Maris.
Napapanood din si Maris sa digital series na “How To Move On in 30 Days,” ang unang collaboration ng ABS-CBN at YouTube.
https://bandera.inquirer.net/285330/maris-umaming-masaya-sa-piling-ni-rico-i-think-it-is-very-obvious
https://bandera.inquirer.net/309925/maris-racal-ayaw-sa-second-chance-may-tips-para-maka-move-on-sa-dating-dyowa
https://bandera.inquirer.net/284641/lady-gaga-nabuntis-matapos-molestiyahin-ng-producer-sa-edad-19