Iya nagpasabog ng good vibes bago manganak, hirit ng netizen: Iba talaga kapag walang byahe si Drew! Emzz!

Iya Villania at Baby Astro Phoenix

BAGO manganak sa ikaapat nilang anak ni Drew Arellano, nagpasabog muna ng good vibes si Iya Villania sa mga Kapuso viewers last Friday, June 3.

Umani ng positive at nakaaaliw na comments ang viral video na ngayon ng TV host-actress na kuha mula sa segment ng “24 Oras” na “Chika Minute”.

Ito yung paandar na closing statement ni Iya na, “And that ends our chikahan this Friday night. Ako po si Iya Arellano na buntis pa rin! Happy weekend mga Kapuso!”

“Pagbalik ko wala na ‘to,” pahabol pa niyang hirit.

Tawa naman nang tawa ang mga kasamahan niya sa news program ng GMA na sina Vicky Morales, Mel Tiangco at Mike Enriquez.

Sabi ni Vicky, “Baka sa Monday wala na.”

Hirit naman ni Mel, “Tingnan mo naman yung suot ng buntis na yan, manganganak na.”

“Hala lagot kayo. Ibinulgar niyong buntis si Iya ayan nabuntis tuloy nang totoo,” ang joke naman ni Mike sa misis ni Drew.


Sa isang Facebook page, in-upload din ang nasabing video ni Iya kung saan mababasa ang iba’t ibang reaksyon ng netizens pero karamihan ay nagsabing sa tuwing mapapanood daw nila si Iya sa “24 Oras” ay buntis ito.

May isang FB user pa ang nagbiro na napapansin niya na sa tuwing mabubuntis ang aktres at TV host ay “walang biyahe” ang mister niyang si Drew na siguradong ang tinutukoy ay ang travel show nitong “Biyahe ni Drew.”

Narito ang ilang komento na nabasa namin sa social media.

“Di ko pa nakitang nagbabalita na maliit yung tyan ni Iya. Hahaha!”

“Walang byahe si Drew pero gabi gabi may sakay.”

“Iba talaga pag walang byahe si Drew. Emzz!”

“Yung nanay ko problemado na sayo Iyah, ba’t daw lagi kang buntis.”

“Buti pa si Iya, laging nadidiligan ‘pag walang byahe si Drew!”

“Wlang mali dun.. at isa pa kaya nilang suportahan mga anak nila.. hindi tulad ng iba jan anak lng ng anak wla namang mapakain.”

“Eto pala sikreto para magtagal yung marriage.”

“Napaka consistent nyo po tlga sa 24 oras. Parang si sir mike lang palagi din naubo.”

“Grabe iba ata ang byahe ni Drew.”

“Sinabi ni Iya one time sa byahe ni drew na naadik siyang mag anak.”

Kahapon, June 4, isinilang ni Iya ang baby number 4 nila ni Drew na pinangalanan nilang Astro Phoenix.

Sa kanyang Instagram stories, ipinost ng celebrity mom ang video kung saan makikita na nagha-happy dance siya bago pa man ang kanyang labor.

Sa pangalawang IG story ay inamin ni Iya na ito ang kanyang pinakamahabang panganganak buhat nang isilang niya ang mga anak nila ni Drew.

Makalipas ang ilang oras ay nag-post na siya ng kanyang selfie na naka-thumbs up na may caption na “Done! Baby out!”

Sa IG din ibinalita ni Drew ang good news kalakip ang larawan ni Baby Astro Phoenix. Aniya sa caption, “All we need is LOVE. Love is all we NEED.”

Taong  2014 nang ikasal ang celebrity couple, 2016 naman nang isilang panganay nilang si Primo at sinundan nga ni Leon noong 2018 na sinundan ni Alana noong 2020.

https://bandera.inquirer.net/284773/bakit-napaiyak-si-iya-nang-magsilang-ng-baby-girl

https://bandera.inquirer.net/285911/hugot-ni-drew-sa-3-anak-bilang-tatay-its-better-to-be-good-than-to-be-right
https://bandera.inquirer.net/281890/rachelle-ann-nag-enjoy-sa-panganganak-i-cannot-believe-we-did-it

Read more...