FINALLY, natupad na rin ang isa pang pangarap ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda at ng kanyang asawang si Chito Miranda — ang magkaroon ng bahay sa Baguio City.
Muling pinatunayan ng celebrity mom at tinaguriang “Wais na Misis” na hindi imposibleng makamit ang mga inaasam sa buhay kapag ang isang tao ay nagsipag at nagsumikap nang bonggang-bongga.
In fairness, talaga namang kapuri-puri at maituturing na inspirasyon si Neri ng bawat Filipino dahil sa tinatamasa niyang tagumpay sa pagnenegosyo, katuwang siyempre ang kanyang mister at Parokya ni Edgar frontman na si Chito.
Bukod sa pag-aasikaso sa kanilang rest house sa Tagaytay kung saan sila naka-base ngayon, super busy din ang aktres sa kanyang mga online business.
Meron din silang Korean restaurant sa Cebu City, milk tea shop at iba pa. Idagdag pa riyan ang kanilang farm sa Cavite.
Nito ngang nagdaang Biyernes, June 3, ibinahagi ni Neri ang bago nilang investment ni Chito — ang sarili nilang bahay sa Baguio na tinawag nilang “The HillSide House.”
Sey ng aktres, looking forward na siyang mag-celebrate roon ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Neri ng litrato ng bago nilang property na may caption na, “Finally, may bahay na kami sa Baguio! The HillSide House.
“3 reasons kung bakit panay akyat namin sa Baguio:
“1. Nagbukas kami @limeandbasilbaguiocity.
“2. Tinapos ko ang Business Ad sa @universityofbaguio.
“3. Naghanap kami ng Rest House namin. Eto na yun! Nabili namin 2 months ago.
“Excited na ako na maayusan ng @grupo.santamaria hoping na dito kami makapag Pasko at Bagong Taon,” pahayag pa ng misis ni Chito.
Dagdag pa ni Neri, “For 24 years, nangungupahan lang kami. Walang masasabing ancestral house kahit maliit, kahit nasa probinsya.
‘Kaya palagi akong nagsusumikap kasama ng asawa ko, na makapag ipon para makabili ng mga bahay para sa mga anak namin.
“Ang pagiging mahirap namin nu’ng bata, ako hanggang sa paglaki, ay naging inspirasyon ko para mas magsumikap sa buhay at nang hindi maranasan ng aming mga anak ang kahirapan namin noon.
“Siyempre, alam nyo na… pwedeng i-rent din kapag di namin ginagamit. Baka next year, pwede na. Business pa rin syempre, hihi!” chika pa niya.
Matatandaang natapos at nakuha na ni Neri ang kanyang business degree mula sa University of Baguio na nagagamit na niya ngayon sa sandamakmak niyang negosyo.
Kamakailan nga lang ay binuksan din ng celebrity couple ang kanilang Thai restaurant na Lime and Basil sa Baguio City na siyang dahilan kung bakit napapadalas ang akyat nila roon.
https://bandera.inquirer.net/310989/chito-tuwang-tuwa-sa-mga-nahuli-nilang-isda-ni-neri-medyo-feeling-mo-nilibre-ka-ni-god
https://bandera.inquirer.net/286542/bakit-malapit-sa-puso-ni-chito-miranda-ang-baguio
https://bandera.inquirer.net/290192/chito-muling-pinuri-ang-asawa-napakaganda-ni-neri-medyo-weird-pero-sobrang-bait