BIMBY marunong nang magtagalog dahil kay RYZZA

Natutuwa si Kris Aquino na good influence si Ryzza Mae Dizon kay Bimby. Magkakasama sila sa  pelikulang “My Little Bossings” na entry sa MMFF 2013 with Vic Sotto.

Ayon sa TV host-actress, mas naging close pa ang dalawang bagets ngayon. Sabi ni Kris, marami na raw alam na Tagalog words si Bimby dahil kay Aling Maliit.

Nu’ng minsan nga raw na umuwi siya ng bahay, “Sabi niya, ‘Mama, magandang gabi po.’ And then he said, ‘Kamusta po ang trabaho n’yo?’

Ang cute!” Dagdag pa ng Queen of all Media, natutunan na rin daw ni Bimby ang maging appreciative sa lahat ng bagay na meron siya.

( Photo credit to Google )

Read more...