Heart umariba na naman ang kasosyalan, hirit ng netizens: Jusko! Mas mahal pa yung tissue kesa sa buhay ko!

Heart Evangelista

AS USUAL, nangabog na naman si Heart Evangelista sa kanyang latest Instagram post.

Sa kanya kasing post ay kitang-kita ang kasosyalan ni Heart when she went to the john gamit ang isang Chanel bag na may kasamang Chanel tissue na kanyang gagamitin sa pag-wipe ng kanyang kamay.
“Don’t forget to wash your hands,” say ni Heart sa caption.

Ang feeling namin ay kuha ang photo na iyon sa France kung saan dumalo siya sa Cannes Film Festival recently.


Of course, marami ang nag-react na netizens. They felt that uber sa kasosyalan itong si Heart.

“Remind lang ni Heart kung gaano tayo kahampas lupa bago matulog.”

“Pag ito ba tissue ko 100% ng germs patay? Puro kase 99.9% eh.”

“Pati tissue ansarap kainin nakakahiya ipahid sa pwet”.”

“Amoy ginto yong tissue.”

“Nahiya naman yun wet tissue namin sa tissue mo miss Heart.”

“Sinampal na naman ako ng kahirapan.”

“Mas lalo q naramdaman ang pagiging hampaslupa q dahil sa tissue mu.”

“Grabe pati tissue chanel den.”

“Wow nahiya naman ang Good Morning bimpo ko diyan.”

“Jusko mas mahal pa yung tissue kesa sa buhay ko. love you miss @iamhearte.”

“Ms. @iamhearte masaya na po ako sa patissue mo promise.”

“Kahit ung tissue mo dko afford sa mahal.”

* * *

Hindi kami nakadalo sa presscon at screening ng “Ngayon Kaya” for personal reason pero ilang kaibigang press ang puring-puri ang movie.

One friend, Alwyn Ignacio, liked the movie and super rave siya sa story and actng ng mga bidang sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

In his Facebook account, ito ang review-in-a-capsule ni mareng Alwyn.

“Kadalasan, ang mga damdaming kinikimkim at hindi sinasabi  ito pa ang may mga pinakamalakas na pagsigaw. Iyan at marami pang katotohanan ang inyong mapapanood at mararamdaman sa Prime Cruz’s NGAYON KAYA mula sa TREX Entertainment.

“Dama ang katotohanan sa  pagganap mula kay Paulo Avelino at Janine Gutierrez bilang Harold at AM. Mga linyahang sakto lang, pangyayaring maaring naging karanasan mo na kaya may hatid na kirot, kurot at sakit.”

“Masarap panoorin ang Ngayon Kaya, ang upcoming movie mula sa TREX Entertainment at WASD Films. Isang kakaibang uri ng love story. Kuwento ito nina AM (Janine Gutierrez) at Harold (Paulo Avelino) na maraming what ifs sa kanilang buhay pero di nagawang sabihin sa isa’t-isa ang tunay nilang nararamdaman.

Tiyak na maraming makaka-relate sa Ngayon Kaya. Kapwa mahusay sina Janine at Paulo,” say naman ni Ricky Calderon sa kanyang Facebook post.

With that, we will not be surprised kung sugurin ng mga fans nina Janine at Paulo ang sinehan sa Hunyo 22 na regular showing ng “Ngayon Kaya”.

https://bandera.inquirer.net/281476/janine-naranasan-na-ang-online-landian-ako-yung-tipo-na-gustong-subukan-lahat

https://bandera.inquirer.net/310875/heart-evangelista-binalikan-ang-journey-sa-showbiz-they-hated-me-kasi-ang-arte-arte-ko
https://bandera.inquirer.net/308769/janine-diego-feeling-lucky-sa-50th-birthday-ni-lotlot-we-love-you-so-much

Read more...