OK na nga ba uli sina Ana Jalandoni at Kit Thompson matapos magkademandahan? | Bandera

OK na nga ba uli sina Ana Jalandoni at Kit Thompson matapos magkademandahan?

Reggee Bonoan |June 02,2022
facebook
share this

OK na nga ba uli sina Ana Jalandoni at Kit Thompson matapos magkademandahan?

Reggee Bonoan - June 02, 2022 - 06:35 AM

Kit Thompson at Ana Jalandoni

PORMAL nang winelkam ng Cornerstone Entertainment ang sexy star na si Ana Jalandoni base sa post ng handler niyang si Cristine Calawod sa Facebook account nito.

Ang caption niya sa larawan ni Ana, “Welcome to Cornerstone Entertainment Inc. family, Ana!!”

Matagal nang talent ng Cornerstone si Ana at ang ex-boyfriend niyang si Kit Thompson ang nagdala sa management company ng aktor.

Iisa ang manager nina Kit at Ana, ang CEO at presidente ng Cornerstone na si Erickson Raymundo.

Nagkaroon ng gulo sina Kit at Ana na humantong sa demandahan kaya ang hula ng lahat ay aalis na ang dalaga sa Cornerstone para makaiwas siya sa binata.

Matatandaang nagpadala ng bouquet of flowers si Erickson noon kay Ana habang nagpapagaling sa hospital sanhi ng mga pasa niya sa mukha at katawan na kagagawan umano ni Kit.

Binasa at nagpasalamat si Ana kay Erickson sa Instagram kalakip ang litrato ng bulaklak. Pero iniba naman ang kuwento ng mga Marites na kesyo itinapon daw ito ng aktres na hindi naman totoo.

At that time ay wala pang kontrata si Ana sa Cornerstone Entertainment dahil hindi pa makapunta ang dalaga sa opisina dahil kaliwa’t kanan noon ang trabaho niya at nitong Miyerkules ng hapon ay nag-post na nga ang handler niya tungkol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


Kaya pala nang tawagan namin ang isang taga-Cornerstone para i-follow-up ang official statement ni Moira dela Torre hinggil naman sa hiwalayan nila ni Jason Hernandez ay sinabihan kaming may meeting sila.

Nagpadala kami ng mensahe sa handler ni Ana kung okay na ang dalaga at si Kit pagkatapos ng nangyaring demandahan pero hindi pa kami sinagot at seen-zone lang kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga taong umaasa na magkakaayos pa rin ang dalawa sa kabila ng nangyari sa kanila lalo’t nasabi nga noon ni Ana na mahal pa rin niya si Kit kahit na sinaktan at tinakot siya nito.

Love story nina Kit Thompson at Ana Jalandoni nagsimula sa Instagram

Ana Jalandoni inaatake ng matinding trauma matapos mabugbog, nag-sorry sa pamilya

Ana Jalandoni mahal pa rin daw si Kit Thompson, pero mapatawad pa kaya ang nakakulong na dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending