MATAPANG na inamin ng singer-actor na si Jace Roque na nagkaroon siya ng mental health issue matapos makaranas ng matinding depresyon at anxiety attacks.
Two years nawala ang Top EDM artist na si Jace at ito’y dahil nga kailangan niyang magpahinga para harapin at labanan ang mga hamon sa kanyang personal na buhay.
Nakausap namin ang binata sa one on one zoom interview kamakailan at dito nga niya naibahagi sa amin ang mga pinagdaanan niya nitong nagdaang taon.
Aniya, humingi talaga siya ng professional help para ma-address ang kanyang mental health issues dulot ng iba’t ibang problema, kabilang na nga riyan ang pagkabigo sa pag-ibig.
At ngayong naka-recover na siya nang bonggang-bongga, balik na uli siya sa pagkanta at pagko-compose na talagang super na-miss niya sa mahabang panahon.
Bawing-bawi na rin siya sa mahigit dalawang taong pagkawala sa limelight dahil dalawang kanta agad ang iri-release niya kasabay ng inaasam na album.
“Sobrang nakakatuwa dahil akala ko ‘yung pagkawala ko dahil sa depresyon at dahil na rin sa pandemic babalik ako sa zero. Pero noong i-release ko yung single ko, talagang sinuportahan agad ng fans ko. Hindi pala nila ako iniwan,” pahayag ni Jace.
Ang tinutukoy na dalawang single ni Jace ay ang Tagalog na awiting ‘Di Para Sa ‘Yo na ini-release niya noong April 22 at ang English single na “Be Someone” na ini-release naman noong May 20.
“Noong ini-release ko po itong ‘Di Para Sayo’ naging number 25 po agad sa iTunes Philippines at na-feature siya sa Spotify Philippines. Nagkaroon din po agad ito ng 600,000 views sa Facebook.
“Ang ‘Di Para Sayo ay tungkol sa journey ko to rediscovering my self-worth na parang after magmahal ng 110 percent ay mare-realize ko na hindi pala para sa kanya, hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko so I ended up loving myself na lang.
“Na-inlove ako at ibinigay ko lahat-lahat na halos walang natira para sa akin. Pero hindi naman pala worth ‘yung taong pinagbigyan ko nang sobra-sobrang pagmamahal.
“Na-realize ko na hindi pala dapat ganoon. Dapat nagtitira ka rin ng para sa sarili. Dapat unahin mo munang mahalin ang sarili mo,” pahayag pa ni Jace.
“Ang ‘Be Someone’ naman ay journey ko sa showbiz, ‘yung having to meet unrealistic expectations from my family, friends and the industry. Kasi I grew up in the industry
“Kung paano siya naka-affect sa akin at kung paano siya naka-damage sa akin na parang hindi ko alam kung ano ang identity ko and I just want to be myself and I want to let my personality shine, may artistry to shine.
“Bale isa rin ‘yung tungkol sa love sa naka-contribute kaya ako nagkaroon ng depression,” sabi pa ng super talented na singer-songwriter.
Idinagdag pa ni Jace na sa pagbabalik niya gusto niyang makagawa ng musika na malapit sa kanyang puso. Bukod nga sa bagong single, nagbabalik si Jace with his brand new look na aniya’y nagpapakita ng kanyang personal fashion. Nag-rebrand din siya ng sarili niya bilang P-pop soloist.
Pahinga na rin daw muna siya sa lovelife para makapag-focus sa kanyang career, “Ayaw ko muna, gusto ko mag-focus sa singing ko. Gusto ko rin ituloy ‘yung gusto ko noon pa na makapag-contribute sa OPM.
“Gusto ko ipaalam sa fans ko na may malaki akong plano. Bukod sa album, gusto kong makapag-concert next year. And for sure simula ngayon, madalas na nila ako makikita at maririnig,” lahad pa ni Jace.
Kung mabibigyan naman ng chance, gustong maka-collaborate ni Jace sina James Reid, Nadine Lustre, at ang SB19 at iba pang P-pop groups.
https://bandera.inquirer.net/306234/ice-seguerra-17-years-nang-lumalaban-sa-depresyon-sa-totoo-lang-minsan-nakakapagod-din
https://bandera.inquirer.net/302060/maxene-hindi-masyadong-ok-noong-holiday-season-i-thought-why-not-cry-in-boracay
https://bandera.inquirer.net/300144/pia-nagkaroon-ng-mental-health-problem-nang-manalo-sa-miss-universe-the-worry-was-louder-than-the-cheers