Ex-manager ni kilalang singer shocked nang malamang lalayasan na siya ng alaga

Guess, guess who!? Hulaan n’yo kung sino siya!?

SHOOKT ang ex-manager ng isang mang-aawit nang bigla siyang sabihan nito ng, “FYI, I have a new manager.”

Wala kasing written contract ang ex-manager at ang singer at mahigit isang dekada na silang magkasama para harapin ang mahirap at magulong mundo ng showbiz.

Ang ex-manager ang nagpakahirap para makilala ang mang-await at kung saan-saan niya ito dinalang reality show para mapansin at sa huling programang sinalihan nito ay nangyari nga ang inaasam-asam nilang dalawa.

Hindi man big winner ang mang-aawit pero sumobra pa sa inaasahan nila ang nangyari sa singing career nito at nakilala siya sa iba’t ibang bansa.

Maraming bumabatikos sa mang-aawit dahil medyo nagbago ang ugali nang sumikat at lahat ito ay sinasalag ng ex-manager niya dahil sobra nitong mahal ang talent na halos siya na ang nagpalaki rito.

Nagkaroon ng malaking isyu ang mang-aawit at inayos ito ng ex-manager kaya muling bumango ang pangalan nito sa publiko at marami pa ring shows sa ibang bansa.

Nagulat na lang isang araw ang ex-manager na nagsabi na ang mang-aawit na may bago na siyang manager.

Ang bagong manager ng mang-aawit ay ang asawa ng male singer na kasama sa iisang management company.

Naloka ang ex-manager dahil napag-alaman niya na ang naging bridge pala para lumipat sa bagong manager ang alaga niya ay ang male singer.

Oo nga, hindi ba conflict of interest iyon? Asawa ni male singer ang bagong manager ngayon ng mang-aawit?

At para hindi masyadong obvious ay naiwan muna si male singer sa management company nila ng mang-aawit at katwiran ay hindi niya iiwan ang kumpanyang humawak sa kanya ng napakaraming taon.

“Anong alam ni ___ (asawa ng male singer) sa pagma-manage? Wala naman siyang background dito?  Wala naman siyang ganu’n kalawak na contacts, ikaw ba kilala mo?  Hindi nga kilala sa industry,” sabi ng aming source.

Sa totoo lang tinanong nga namin kung sino siya dahil never heard naman talaga ang name at binanggit nga na asawa ni male singer.

Napaigtad kami sa aming kinauupuan at balik-tanong namin sa source namin, “Paano nangyari at bakit? Tapos si ____ (male singer) naiwan sa manager nila?  Anong drama ‘yun?”

“E, ganu’n talaga siguro nagsawa na gusto ng ibang pamamalakad.  Abangan na lang natin kung hanggang saan kasi wala namang alam itong bagong manager niya sa galawan unless ituturo ni (male singer),” katwiran ng kausap namin.

Tinanong namin kung maayos ba na naghiwalay at speaking terms, “Parang hindi kasi nagsabi lang nga may bago na siyang manager, e, para saan pa para mag-usap?  Dinedma nga, di ba?”

Nakalulungkot ang nangyari sa mang-aawit at ex-manager dahil piping saksi kami sa journey nilang dalawa.

https://bandera.inquirer.net/295162/kilalang-male-star-sugatan-na-naman-ang-puso-matapos-maghiwalay-ng-ka-live-in

https://bandera.inquirer.net/306650/direktor-awang-awa-kay-sikat-na-male-celeb-dahil-binu-bully-noon-ng-insecure-na-aktor

https://bandera.inquirer.net/297740/male-celeb-ibinuking-ang-milyun-milyong-utang-ng-tumatakbong-politiko

 

Read more...