Wish ni Kylie na lumigaya si Aljur: Ayokong makita siyang malungkot tulad noong nagsasama kami…

Aljur Abrenica at Kylie Padilla

MATINDING anxiety ang naramdaman ng Kapuso actress na si Kylie Padilla noong mga panahong nararamdaman niyang posibleng maghiwalay na sila ni Aljur Abrenica anumang oras.

Pagbabahagi ng “Bolera” lead star, hindi talaga naging madali para sa kanila ng kanyang estranged husband na kumalas sa kanilang married life dahil meron silang dalawang anak.

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas,” napag-usapan ang tungkol sa depression at anxiety ng Kapuso star na nagsimula pa noong bata siya at mas lumala pa nang ipanganak niya ang mga anak na sina Alas at Axl.

Kuwento ni Kylie, mas matindi pa raw ang naramdaman niyang anxiety noong nagsasama pa sila ni Aljur kesa noong maghiwalay na sila.

“You know what, mas worse siya when I knew na papunta na kami doon, papunta na kami doon. Malabo na and nag-iiba na lahat kasi ganoon naman talaga, it just doesn’t happen like that e,” paliwanag ng aktres.


Aniya pa, “Ramdam mo na there was a distance forming between us, parang alam ko ng doon pupunta.”
Unti-unti na raw niyang nararamdaman na parang mag-isa na lang siya kahit magkasama sila ni Aljur kaya naiisip niya na mas mabuti nga siguro kung magsosolo na lang siya.

“Ang sakit na, e. Siyempre though as a mom ayaw mo namang mangyari, it’s not something that you wish will happen.

“Ayaw mo nang mag-isa talaga, but sometimes maybe you need to do that to find your inner strength and magkaroon kami ng respeto outside of being a married couple,” litanya ng single mom.

“Ang hirap kasi ng kasal kayo and it’s only on paper na and you’re only forced to meet there, you don’t want to be together parang ganoon,” diin pa ni Kylie.

Masasabi naman daw ng aktres na friends na sila ngayon ni Aljur, “I want him to be happy kasi unang-una siya ’yung tatay (ng mga anak ko). We’ve lived a life together and I never wanna see him as sad as he was when we’re married.”

Mismong ang ama ni Kylie na si Sen. Robin Padilla ang nagbuking sa publiko na hiwalay na ang anak kay Aljur. Ikinasal sila noong 2018 at biniyayaan nga ng dalawang anak.

https://bandera.inquirer.net/289921/andi-inaatake-rin-ng-takot-bilang-nanay-pero-hinahayaan-lang-matuto-ang-mga-anak

https://bandera.inquirer.net/305838/jolina-inaatake-ng-anxiety-may-times-na-nasusungitan-ko-ang-mga-bata-pati-si-mark

https://bandera.inquirer.net/287441/geneva-mas-lalong-humanga-kay-sunshine-mula-nang-maghiwalay-sila-ni-cesar-nakakabilib

Read more...