Ariella Arida hindi naniniwala sa ‘second chance’ kapag niloko siya ng dyowa: Lalo na kung nakipag-one night stand pa siya

Tony Labrusca at Ariella Arida

KUNG ang ibang babae kapag kinaliwa ng karelasyon ay nagagawa pa ring magpatawad, ibahin n’yo si Binibining Pilipinas Universe 2013 Ariella Arida.

Hindi na bibigyan ng aktres at dating beauty queen ng second chance at maging sila ulit ng kanyang boyfriend kapag nagloko ito.

Sa pagtatapat niya sa digital mediacon ng pelikulang “Breathe Again” nitong Lunes, Mayo 30, ay hindi raa niya kayang magbigay ng ikalawang pagkakataon sakaling lokohin siya ng karelayson.

Ito kasi ang tema ng pelikula niyang “Breath Again” na idinirek ni Raffy Francisco under Viva Films na mapapanood sa Vivamax sa June 3.

At kaya ito nasambit ni Ariella ay dahil, “Thankfully, wala pa naman akong ganu’ng experience from the previous relationship. Inisip ko nga, e, paano pala kung nangyari sa akin ’yon?


“Ako kasi I’m so firm na pag (nangaliwa) tapos one-night stand pa, siguro ’yong normal na ka-text o alam mo ’yong may pini-flirt na iba mapapatawad ko pa pero kung one-night stand, parang it’s so hard for me na mabigyan ng second chance.

“Kasi ako sa sarili ko parang hindi ko s’ya kayang gawin sa partner ko. So, I’m just coming from myself na kung ikaw sa sarili mo, you can’t do it to your partner.

“So, I think mahirap for me din to give another chance to my partner kung nagawa n’ya ’yong one-night stand na ’yon,” paliwanag ni Ariella.

Sabi nga, cheating is a choice na totoo naman dahil ibig sabihin ay hindi ka maligaya sa partner mo kung magloloko ka.

“Parang kahit ano pang isipin mo, kahit sabihin pang aksidente or whatsoever, ginawa mo. It’s a choice, e.

“Kumbaga, naging careless ka doon or something like that. Pero if it’s like text-text lang kaya ko pang i-forgive pero kung one-night stand, no,”pahayag ulit ng dalaga,” mariin pa niyang sabi.

Sa kasalukuyan ay may non-showbiz boyfriend ang dalaga at tatlong taon na sila. Suportado raw siya ng guy sa pagpapa-sexy niya dahil malaki ang tiwala nito sa kanya.

“Well, hopefully, hindi ko s’ya ma-experience in real life. Thankfully, wala pa naman akong ganu’ng na-experience ever,” saad ng dating beauty queen.

Kasama rin ni Ariella sa “Breathe Again” sina Tony Labrusca, Ivan Padilla at Jela Cuenca mula sa direksyon ni Raffy Francisco.

https://bandera.inquirer.net/312675/ariella-arida-never-lolokohin-ang-dyowa-natatakot-po-ako-sa-karma-sa-panandaliang-saya-lang

https://bandera.inquirer.net/314779/ariella-arida-palaban-na-rin-sa-pagpapaseksi-pero-game-na-rin-bang-maghubot-hubad-sa-pelikula

https://bandera.inquirer.net/296218/ariella-nag-audition-daw-sa-darna-bilang-valentina-my-god-sana-nga-po-ipagdasal-po-natin

Read more...