Yayaman naman (2)

Sulat mula kay Elve, ng  Claveria, Misamis  Oriental
Prolema:
1.      Sunud-sunod na kamalasan at mabibigat na problema ang dumating sa buhay ko.  Nahinto ako sa pag-aaral.  Nasa kolehiyo na sana ako ngayon.  Naghiwalay ang mga magulang ko pagkatapos ng matinding pag-aaway.  Isang buwan nang hindi napapakita dito sa bahay ang tatay ko. Hindi ko alam kung may sinamahan siyang ibang babae.  Hindi na kaya ng nanay ko na buhayin kaming magkakapatid.  Apat kami.
2.    Kung saan-saan na siya nangungutang para lang kami mabuhay. Naghahanap ako ng trabaho para makatulong sa aking pamilya.  Ang gusto ko lang itanong sa inyo Sir Greenfield ay kung muli kayang mabubuo ang aming pamilya? Babalik pa kaya ang tatay ko? At ako naman po makakahanap kaya ako ng trabaho kahit tindera lang sa palengke? Sa ganitong kalagayan namin, makaaahon pa kaya kami sa kahirapan?
Umaasa,
Elve, ng Claveria, Misamis Oriental
Solusyon/Anlysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2) ang nagsasabing susuwertehin kayong mag-iina sa tulong ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius. Ang nasabing lalaki ang siya na ring tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang pag-aabroad na mangyayari sa iyong kapalaran ay inaasahang magaganap sa taon 2014 o kaya’y 2015.
Luscher Color Test:
Ugaliin mong magsuot ng kulay na dilaw at pula, sapagkat iyan ang suwerte mong kulay na mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Kung saan, tandaan mong dahil iniwan na kayo ng iyong ama, kailangang mas maging matatag ka ngayon upang makayanan ninyo ng nanay mo ang mga problema lalo na sa pinansiyal.
Graphology:
Ang lagda mong mahaba, may malalaking letra at masigla ang nagsasabing basta’t tuloy-tuloy kalang na magsikap at maghanap ng trabaho muna sa ngayon, tiyak ang magaganap makakatagpo ka ng trabaho na sapat lang suweldo upang makaraos kayong magiina sa pangangailangan ng buhay sa buong maghapon.
Huling payo at paalala:
Elve, ayon sa iyong kapalaran hindi na nga babalik ang iyong ama na sumama sa ibang babae. Pero sa susunod na taon, makakatagpo ang iyong ina ng panibagong asawa na nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius. Ang nasabing lalaki ang tutulong sa inyo lalo na sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad. At sa panahong nasa abroad ka na, mabibigyan mo na ng isang maalwan at masaganang buhay ang inyong pamilya.

Read more...