IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens sa mga kumakalat na litrato ngayon sa social media ng magdyowang Andrea Brillantes at Ricci Rivero.
Kuha ang mga nasabing photos sa Siargao kung saan nagbabakasyon ang young couple. Ito ang sinasabing first beach trip ng dalawa as couple.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapamilya young actress ang ilang kaganapan sa kanilang Siargao getaway kung saan kasama rin nila ang ilang malalapit na kaibigan.
Kabilang nga sa mga naki-join sa pagtungo nina Ricci at Andrea sa Siargao ay ang singer-actor na si Alex Diaz at ang aktres na si Ashley Colet, base na rin sa kani-kanilang post sa IG.
Makikita sa isang litrato si Andrea na seksing-seksi sa kanyang red two-piece swimsuit. May kuha rin sila ni Ricci na sweet na sweet at all-smiles habang naghahanda sa kanyang bonggang meal by the beach.
“Life lately,” ang maikling caption ni Andrea sa kanyang post na pinusuan at ni-like ng kanyang mga fans at IG followers.
Inamin nina Andrea at Ricci noong April na nagde-date sila hanggang sa sagutin na nga ng dalaga ang basketball player (UP Maroons) nang mag-propose ito pagkatapos ng kanilang UAAP game sa Mall of Asia Arena.
Pagkatapos matsismis si Andrea kay Ricci, inamin din niya na dalawang taon din silang naging magdyowa ng kanyang ka-loveteam na si Seth Fedelin.
Kung may mga kinilig at natuwa sa Siargao vacation nina Andrea at Ricci, meron ding mga netizens ang nangnega sa magdyowa at kung anu-anong malilisyosong salita ang pinagsasasabi. Pero mukhang dedma lang ang dalawa sa mga ito.
Nauna rito, inamin ng dalaga na super happy siya sa piling ni Ricci, “Masaya ako at sobrang excited din kasi first time kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin na basketball player.
“At first time ko rin na magkaroon ng boyfriend na out sa public. Masaya at saka this time hindi ko na talaga binabasa ‘yung mga comments kasi I know na madaming mga bitter, madaming may mga masasabi sa relasyon.
“Du’n lang ako natatakot, kasi first time ko nga ito na public at hindi ko pa alam masyado kung paano i-handle. Eh, very clingy pa man din ako na tao.
“So, ang daming nagsasabi, masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” sey pa ni Andrea.
https://bandera.inquirer.net/314608/true-ba-laging-si-andrea-brillantes-ang-nagbabayad-sa-date-nila-ni-ricci-rivero
https://bandera.inquirer.net/314023/ricci-rivero-tinupad-ang-promise-sa-up-ikot-drivers-naibigay-na-ang-p200k-ayuda
https://bandera.inquirer.net/311882/ricci-rivero-sa-pag-convert-sa-kanya-ni-andrea-this-isnt-about-her-being-a-perfect-girlfriend