TALAGA namang saktung-sakto at bagay na bagay ang titulong Vivamax Queen sa sexy star na si Angeli Khang.
Ilang araw pa lang ang latest niyang movie na “Pusoy” sa number one streaming app sa bansa ay heto’t may kasunod na agad siyang project, ang digital series na “Wag Mong Agawin ang Akin” at idagdag pa riyan ang “Virgin Forest” ni Brillante Mendoza.
Nagsimula nang mag-taping si Angeli para sa una niyang Vivamax original series na ididirek ni Mac Alejandre na siya ring nasa likod ng kanyang biggest hit na “Silip sa Apoy”.
Pagkukumpara ni Angeli sa “Silip sa Apoy” at “Wag Mong Agawin ang Akin”, “Iba ang ‘Silip’ kasi battered wife ako, inaapi ng dyowa ko. Physically, emotionally and mentally akong pinahihirapan.
“Dito sa ‘Wag Agawin’, I’m working as an escort girl. Anak akong inabandona ng ina kaya may emptiness sa puso ko dahil hinahanap ko pa rin ang nanay ko. It’s more about mother and daughter,” kuwento ng dalaga sa virtual mediacon ng bagong serye ng Vivamax.
Chika pa ni Angeli na hawig kina Angel Locsin at Rufa Mae Quinto, “I am very happy to be reunited with Direk Mac kasi tinulungan niya talaga ko sa craft ko as an actress.
“Ang dami kong natutunan noon sa kanya sa ‘Silip’, so I’m delighted to be working with him again. Sobrang thankful ako, kasi with Direk, para akong pumapasok sa school to learn new things,” sey pa ng aktres na wala na talagang hiya-hiya pagdating sa hubaran.
Tuwang-tuwa rin siya nang marinig ang mga papuri sa kanya ni Direk Mac, “I’m so flattered na he says malaki ang potential ko. I’m just so grateful kasi andami niyang nakikita sa’kin na ako mismo, hindi ko pa nakikita sa sarili ko. So I just promise na I will always try to do my best for him.”
Sa tanong kung nape-pressure ba siya sa magiging resulta ng una niyang streaming series, “There will always be pressure sa mga ginagawa ko, but since si Direk Mac ang director ko ngayon, just like in ‘Silip’, I really trust him na kung nagawa namin noon, magagawa rin namin ngayon to please Vivamax viewers.”
Sinagot din niya ang mga nagsasabi na paghuhubad lang daw ang kaya niyang gawin sa harap ng camera, “Even if I’m doing sexy roles, I’m just thankful and honored na napunta ako sa ganitong path ng buhay and career ko.
“Hindi madali ang ginagawa namin sa harap ng camera, but as an actor, there’s always a lot to learn. Hopefully, I will be given more challenging dramatic roles in the future. I just believe in myself na makakaya ko whatever role they give to me,” depensa ni Angeli.
Samantala, nagkuwento naman si Direk Mac tungkol sa kuwento ng 8-episode series na “Wag Mong Agawin ang Akin”.
“Story ito ng isang mother and daughter. Angeli plays a girl na lumaking walang magulang. So we show kung ano ang epekto nito sa isang bata who is feeling abandoned.
“How does it shape her character? Dito, nagsikap siya to improve her life, pero maraming humahadlang sa kanyang kaligayahan. Her mom is played by Jamilla Obispo na akala, namatay na ang anak niya pero hinahanap pa rin niya nang yumaman siya,” chika ng direktor.
At tungkol naman sa muli nilang pagsasama ni Angeli sa isang project, “I really look forward to working with her again kasi Angeli has proven to me na magaling siyang artista at she showed na nagtitiwala siya sa akin.
“She’s an instinctive actress, du’n ako nagulat. First shooting day pa lang ng ‘Silip’, nakita kong kaya ko siyang i-push. Kita ko sa mata niya at sa body language niya ‘yung emotional and psychological range niya, kayang ma-stretch.
“Bilang artista, ang potential niya, malaki. Ang attitude niya ay tama and her willingness to learn and her drive to achieve her craft to the fullest, tama ang perspective niya. She also has this childhood innocence that she maintains and this certain degree of purity.
“Mabait na bata siya at mabuting tao at importante ‘yun for her to be a good actress. I want to be part of her journey to push her craft forward and guide her artistic muscles,” pahayag ni Direk.
At naniniwala rin siya na, “I have no doubt that one day she’ll win a best actress award. It will definitely come someday.
“Ako, I really admired her performance sa ‘Silip sa Apoy’, not just because of the daringness, but dahil niyakap niya nang buo at mahigpit ang role niya. She gave lahat ng hiningi ko sa kanya and I’m grateful sa trust na ibinigay niya sa akin,” chika ni Direk Mac.
Mas marami bang sex scenes ang nasabing serye kesa sa “Silip sa Apoy”? “Iba naman ang requirements nito sa ‘Silip sa Apoy’. Angeli will be more daring but not just in doing sexy scenes.
“I’m hoping she’ll show more of her creative muscles para makita naman natin ang ibang aspeto ng kanyang pagiging artista, para lalong paghusayin ang kanyang craft and for her to gain more experiences as a good person and a good actor that go together.
“She has done other projects since ‘Silip’ at sana, lahat ng natutuhan niya doon, mai-apply niya ngayon dito para lalo pang mapakinang ang acting niya,” paliwanag ni Mac Alejandre.
Makakasama rin dito sina Felix Roco at Arron Villaflor.
https://bandera.inquirer.net/313578/angeli-khang-tinawag-na-weird-version-ng-fifty-shades-of-grey-ang-pusoy-super-wild-ang-mga-sex-scenes-dito
https://bandera.inquirer.net/298056/angeli-khang-may-hamon-kay-xian-gaza-hindi-ako-marites-pero
https://bandera.inquirer.net/304582/silip-sa-apoy-actress-angeli-khang-sinasaktan-noon-ng-amang-koreano-pumapasok-ako-sa-school-na-may-pasa-sa-mukha