BINALIKAN ng Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin ang unang araw nang mag-taping sila ni Susan Roces para sa longest-running action series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Pitong taon na ang nakararaan nang simulan ang produksyon ng nasabing serye at sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo, inialay ni Coco sa yumaong Queen of Philippine Movies ang kanyang mensahe para sa programa.
Nag-share ang award-winning actor ng litrato nila ng veteran actress sa Instagram na kuha sa first taping day ng “Ang Probinsyano.”
“Eksaktong 7 taon na nakakaraan nung unang araw natin sinimulan ang proyektong FPJ’s Ang Probinsyano.
“7 taon mula nu’ng ipinagkaloob ang buong tiwala na gawin namin ang naiwan ni FPJ. 7 taon ng magagandang alaala at di malilimutang mga aral,” simulang bahagi ng caption ni Coco.
Aniya, habangbuhay niyang babaunin ang lahat ng magagandang alaala niya kasama si Susan pati na ang mga aral na ibinahagi sa kanya ng premyadong aktres na gumaganap na Lola Flora sa “Probinsyano.”
“Pero higit 7 taon pa naming dadalhin ang lahat ng natutunan namin mula sayo La… habambuhay ka namin ilalagay sa puso namin.
“Maraming, maraming salamat po, maging masaya at malaya ka na po kasama ang ating Panginoon,” mensahe pa ni Coco.
Pumanaw si Susan Roces noong May 20 sa edad na 80 dahil sa cardiopulmonary arrest. Inilibing ang kanyang labi nitong nagdaang Huwebes, May 26. Itinabi ang kanyang kabaong sa puntod ng asawang si Fernando Poe, Jr.. sa Manila North Cemetery.
https://bandera.inquirer.net/314062/payo-ni-susan-kay-coco-hindi-importante-ang-pagingles-ang-mahalaga-ay-marunong-kang-humarap-sa-tao-na-may-dignidad
https://bandera.inquirer.net/314355/susan-roces-kay-grace-poe-im-already-80-years-old-im-ready-this-time-i-would-think-of-me
https://bandera.inquirer.net/314392/hirit-ni-susan-roces-nang-sabihang-magpaligaw-aanhin-ko-when-love-blooms-wala-na-akong-ibu-bloom