Baron sa sex scenes nila nina Janelle Tee at Angeli Khang: Akala n’yo nag-eenjoy kami, hindi po… nanginginig kami sa takot

Janelle Tee, Baron Geisler at Angeli Khang

KUNG akala n’yo raw na madali at masarap ang gumawa ng sex scenes sa mga pelikula, nagkakamali kayo.

Yan ang naging pahayag ng magaling na kontrabida na si Baron Geisler at ang dating beauty queen na si Janelle Tee na bida sa bagong sex-action-suspense Vivamax movie na “Pusoy.”

Ito’y sa direksyon ni Phil Giordano at likha ni Brillante Mendoza. Kasama rin dito sina Angeli Khang, Felix Roco, Jela Cuenca, Julio Diaz at Vince Rillon.

Parehong nahirapan sina Janelle at Baron sa mga love scenes nila sa pelikula na para sa amin ay may pagka-porn na nga ang dating dahil sa iba’t ibang posisyon sa sex na ginawa nila.

“Aminado ako, du’n sa mga love scenes namin ako pinakanahirapan. Siyempre, nananakit kasi ako du’n, e!” natatawang pahayag ni Janelle pagkatapos ng naganap na private screening ng movie last Wednesday, May 25.

“So, alangan ako na manakit. Kasi, ayokong nananakit. So, buti na lang din si Baron, tinulungan niya ako na, ‘Hindi! Lakasan mo! Itodo mo!’ Ganu’n.

“And lahat ho yun, di ko alam kung paano gamitin. Buti na lang, si Direk Brillante, tinuruan niya ako. Ha-hahaha!” sabi pa ni Miss Earth Philippines 2019 at dating co-host ng “Wowowin” ni Willie Revillame.

Nakakaloka ang pinaggagawa nina  Janelle at Baron sa “Pusoy”, talagang gumagamit pa sila ng gag, whip, yoke, choker, blind fold at iba’t iba pang sex toys.

Dagdag na pahayag ni Janelle, “Sabi ko, ‘Direk, ano ba ito?! Paano gamitin ito lahat?!’ So, first time lahat yun. Ha-hahaha! Mahirap siya pero nailaban namin!”


Pagsang-ayon naman ni Baron, “Gaya po ng sinabi ni Miss Tee, buti na lang, nandu’n po si Direk Brillante para i-guide po kami sa mga sexy scenes.

“Kung paano mag-whip. Bakit ganu’n, ipapasok yung bola. Mga bagay-bagay na hindi ko na maisip kung para saan. Napa-‘I love you, General!’ na lang tuloy ako (isa sa mga kailangan n’yong abangan sa pelikula).


“But it’s my first time actually to do this kind of daring role, love scenes. And sa lahat ng mga eksena, yung love scenes talaga ang pinakamahirap gawin.

“Akala ninyo, parang nag-e-enjoy kami, hindi po. Nanginginig kami, di ba? Nanginginig tayo sa takot. But yun, hopefully ma-screen lang talaga ng Viva nang maayos na hindi ito pumasok sa Pornhub. Kasi, totoo, yung ibang mga movies na-screen nila.

“Kung hindi, dapat bigyan din nila kami ng porsyento. Benchingko! Benchingko, pwede na ba tayo, all in?! All in, benchingko poryento!?” natatawa pang chika no Baron.

https://bandera.inquirer.net/309976/baron-geisler-viral-na-naman-sinong-kailangang-i-rehab

https://bandera.inquirer.net/292678/baron-geisler-nawalan-ako-ng-diyos-feeling-ko-kasi-ako-yung-pinakamagaling

https://bandera.inquirer.net/314502/janelle-tee-todo-bigay-sa-pelikulang-pusoy-first-time-gumamit-ng-sex-toys

 

Read more...