KINUMPIRMA ng Kapuso TV host na si Kim Atienza na kahit bakunado na siya ay tinamaan pa rin siya ng COVID-19.
Kasalukuyan daw siyang naka-isolate ngayon at nagpapagaling matapos mahawa ng virus. Ito’y sa kabila nga ng pagsunod niya sa lahat ng health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.
Dahil nga rito muling pinaalalahanan ng co-host nina Iya Villania at Camille Prats sa morning show ng GMA na “Mars Pa More” na patuloy na mag-ingat dahil patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.
Kasunod nito, ibinahagi ni Kuya Kim sa publiko na dahil sa COVID-19 ay hindi siya nakadalo sa High School graduation ng anak niyang si Eliana Atienza kahapon, May 28.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ni Kuya Kim ang mga graduation photos ng kanyang anak kasama ang nanay nitong si Felicia Hung Atienza kalakip ang emosyonal niyang graduation message para kay Eliana.
“I took a leave for this day I was sooo looking forward to but covid took the better of me and I had to isolate at home.
“I love you and I am sooo proud of you @elianahatienza you are God’s gift to mama and I and in a few months, you shall be in college far away from both of us.
“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high…..far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do.
“I love you and will always be proud of you my dearest baby @elianahatienza,” ang caption ng TV host sa mga ibinahagi niyang IG photos.
Samantala, pinasalamatan din ni Kuya Kim sa pamamagitan ng Instagram Story si Manila City Mayor Isko Moreno para sa natanggap niyang COVID-19 medications.
Base sa records ng Department of Health (DOH), nakapagtala sila ng 1,214 new COVID-19 infections sa bansa mula May 16 to 22 kaya ang patuloy nilang paalala, mag-ingat pa rin kapag lumalabas at huwag kalimutang mag-face mask at palaging sundin ang social distancing.
https://bandera.inquirer.net/298385/kuya-kim-may-swabeng-hirit-kay-ogie-diaz-bawal-ikampanya-ang-ama-sa-eleksyon-2022
https://bandera.inquirer.net/297785/kuya-kim-dumepensa-sa-paratang-ng-bashers-na-inokray-aniya-ang-showtime
https://bandera.inquirer.net/311516/neri-miranda-nagtapos-na-ng-kolehiyo-may-kwelang-graduation-picture