NAPILITANG mag-sorry ang Kapuso comedienne at TV host na si Herlene Budol nang kuyugin ng netizens dahil sa kanyang “nakakabastos” na post sa social media.
Hindi nagustuhan ng ilan niyang supporters ang isang hugot line na ibinahagi niya sa Instagram patungkol sa kapwa niya kababaihan na may tono ng kalaswaan.
Sa kagustuhan kasi niyang maagaw ang atensiyon ng publiko at umingay ang kanyang pangalan sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas 2022 ay nakapag-post siya ng medyo offensive na mensahe.
Nag-ugat ito nang manalo ng isang special beauty award sa isang event si Herlene o Hipon Girl. Kaliwa’t kanang batikos at negative comments ang natanggap niya sa kanyang Facebook post last Thursday, May 26.
Ang caption ng komedyana sa kanyang Facebook post, “Ang mga babae, maganda man o hindi nirerespeto yan!
“Ako nga pala si Binibini #8 – Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at naniniwala sa kasabihan ‘Aanhin mo pa ang babaeng sexy at maganda kung halos lahat ng lalake nag planking na sa kanya’ And I….Hipon!!”
Sunud-sunod ang mga negatibong komento ng netizens kay Herlene at halos iisa ang sinasabi nila — may kabastusan daw ang pahayag ng dalaga at parang pang-iinsulto at pambabastos daw ito sa mga kababaihan.
Komento ni Hanie Raiza Campomanes Arajil, “Take down niyo na lang ang post. At isa pa po, mag-ingat sa mga posts and captions mo, malaki ang followers mo. And also, you’re joining a pageant that empower women.
“I am sure the Binibining Pilipinas Organization is watching. Queenly thoughts lang dapat,” ang paalala sa kanya ng isa niyang IG follower.
Comment ng isa pang netizen, “May potential ka sana, sabihin na naten you’re just being yourself sa soc med mo pero sa national pageantry may standards tayo. Tabi mo muna kalat mo mhie… to gain your points especially soc med could influence a lot HAHAHAHA parang pang Ms Gay yung caption mo.”
“Not against Ate hipon, but for me, since public figure po kayo maybe you should be careful sa mga words na ginagamit nyo. If im not mistaken advocate ka sa women empowerment so dapat nirerespeto mo ang mga babae no matter if she’s virgin or not,” ang reaksyo ng isang fan ni Herlene.
May isa naman ang nagsabing hindi na nakakatawa ang pinagsasabi ni Hipon Girl at siguradong malaki ang magiging epekto nito sa sinalihang pageant. Pinatunayan lang daw nito na wala siyang karapatang maging beauty queen.
Pero in fairness, meron din namang nagtanggol kay Herlene at sinabing joke lamang ang ipinost ng komedyana at hindi dapat seryosohin.
Sa comments section naman ng viral post ni Herlene, humingi na siya ng paumanhin sa kanyang naging pahayag pati na sa lahat ng mga taong na-offend niya.
“My apologies po. Palabiro lang po talga ako. Hayaan niyo po hindi na po mauulit. love u all,” ang maikling mensahe ng dalaga.
Burado na ang nasabing IG post ni Herlene at hindi na rin makikita ang mga negative comments about her.
https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality
https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka
https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex