TRENDING na naman ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga matapos mag-viral ang tweet nito kung saan inirereklamo niya ang pagkawala ng kanilang internet connection sa tinutuluyang condo.
Nitong nakaraang araw kasi ay tinawag ng actress-vlogger ang pansin ng isang internet service provider dahil apat na buwan na raw silang walang internet gayong nagbabayad naman daw siya.
Kaya naman mabilis na nag-react ang mga netizens at sinabihan siyang huwag na raw mag-reklamo. May mga comments rin na nagsasabing “unity” raw ang sagot para maayos ang hinaing ng maybahay ni Mikee.
“Hahaha! Nakakatawa at tuwa naman nagviral pala yung tweet ko dahil may ‘unity’ na replies. Thank you siguro kaya lalo napabilis pag-ayos ng internet namin. But tama let’s end negativity and be united as a nation,” tweet ni Alex kahapon, May 27.
At nang maayos na nga ang internet connection niya ay agad nitong binura ang naunang tweet kung saan nagrereklamo siya.
Marami naman sa mga netizens ang agad na nakapansin nito at tinanong agad si Alex kung bakit niya ito tinanggal.
Sagot niya, maayos naman na daw ang inirereklamo niya kaya naman binura niya na ito.
Hirit naman ng netizen, “Kahit ayos na, ‘di dapat delete… kasi, parang yung history lang yan na pilit ni re-rewrite dahil lang mukhang ayos na… binubura ang history at pinapalitan ng something na mukhang maayos.”
Hahaha! Nakakatawa at tuwa naman nagviral pala yung tweet ko dahil may “unity” na replies. Thank you siguro kaya lalo napabilis pag-ayos ng internet namin. But tama let’s end negativity and be united as a nation 🇵🇭🙏🏼😆
— Alex Gonzaga-Morada (@Mscathygonzaga) May 27, 2022
Birong sagot ni Alex, “Eto piso hanap ka kausap mo.”
Singit naman ng isang netizen, “Bayad piso para maghanap ng kausap pero nag rant sa twitter? Tapos maiinis pag may reply? Ano na nga ba tawag dun?”
Tila kinuyog naman si Alex ng mga netizens dahil hindi nila nagustuhan ang sagot ni Alex sa maayos na tanong sa kanya.
“Pag walang sustansya argumento, ganyan na lang ang sagot. Sayang pinag aralan mo,” saad ng isang netizen.
Reply naman ng isa, “Salitang kalye huwag hanoon. Kapag matino ang tanong sagutin mo ng matino.”
“Gurl? Mahiya ka naman 2022 na ang baduy baduy pa din ng mga jokes/reply mo pati sa tv ang baduy mo,” hirit pa ng isa.
Maski sa nauna niyang deleted tweet ay sunod sunod na ang banat sa kanya ng mga netizens.
May kinalaman rin ito dahil sa ipinakitang suporta ng nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni kay President-elect Bongbong Marcos.
Related Chika:
Vice: Mga taong sa panahon ngayon paninirang-puri at fake news pa rin ang trabaho! YUUUCCCKKK!
Alex Gonzaga kinuyog ng netizens matapos magreklamo sa internet provider: Dapat unity palagi
Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan