KUNG siya lang ang masusunod, ayaw ni Andrea Brillantes na manood ang boyfriend na si Ricci Rivero sa kanyang paglalaro sa katatapos lamang na Star Magic 30th All Star Games.
Isa si Andrea sa naging player ng Star Magic Lady Spikers sa volleyball event ng pagbabalik ng Star Magic All Star Games na ginanap last Sunday, May 22, sa Araneta Coliseum.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasali ang young actress at in fairness, nanalo naman ang kanilang grupo laban sa Team Star Hunt.
Nakasama ni Andrea sa Star Magic team sina Gillian Vicencio, Chie Filomeno, Angela Ken, Analain Salvador, Carmella Ford, Vivoree Esclito, at ang UAAP and national team players na sina Rachel Daquis and Gel Cayuna.
“Ito yung unang-unang una ko! Masaya naman. Nag-enjoy ako at yun naman ang importante. At saka nanalo naman yung team namin,” pahayag ni Andrea sa isang interview.
Tulad ng pagtsi-cheer niya kay Ricci sa UAAP finals match ng University of the Philippines team kung saan natalo nila ang Ateneo Blue Eagles, todo support din ang binata sa paglalaro ng kanyang girlfriend.
Pero pag-amin nga ni Andrea, “Actually nu’ng una ayoko talaga siyang manood. Kasi ang galing niya, he’s a pro player tapos ako first time ko talaga. Hindi talaga ako praktisado. Wala talaga ako sa ten times na nakapag-train.
“Nandito lang ako for the fun of it. Andito lang ako para ma-experience kasi gusto ko lang talaga siyang ma-try.
“Ayoko talaga siya manuod kasi nahihiya ako pero sabi niya kasi, ‘It’s my turn naman na sumuport.’ Sabi ko sige kasi ayoko naman maging unfair na pag ako siya lang nag sinusuportahan. Masaya na nandiyan siya,” pahayag ng dalaga.
Natanong din siya sa nasabing panayam kung anong feeling may may special someone na siyang nagpapasaya at sumusuporta sa mga ginagawa niya sa buhay.
“Masaya ako at sobrang excited din kasi first time ko magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin na basketball player.
“At first time ko rin na magkaroon ng boyfriend na out sa public. Masaya at saka this time hindi ko na talaga binabasa yung mga comments kasi I know na madaming mga bitter, madaming may mga masasabi sa relasyon.
“Du’n lang ako natatakot kasi first time ko nga ito na public at hindi ko pa alam masyado kung paano i-handle. Eh, very clingy pa man din ako na tao.
“So ang daming nagsasabi masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” katwiran ni Andrea.
Para naman sa mga fans nila ng kanyang ka-loveteam na si Seth Fedelin, wala pang ina-announce ang ABS-CBN kung kailan na eere ang kanilang musical series na “Lyric and Beat”. Abang-abang na lang tayo.
https://bandera.inquirer.net/311882/ricci-rivero-sa-pag-convert-sa-kanya-ni-andrea-this-isnt-about-her-being-a-perfect-girlfriend
https://bandera.inquirer.net/314023/ricci-rivero-tinupad-ang-promise-sa-up-ikot-drivers-naibigay-na-ang-p200k-ayuda
https://bandera.inquirer.net/308070/andrea-brillantes-ricci-rivero-spotted-sa-bgc-tanong-ng-mga-marites-magdyowa-na-ba