SIGURADONG maraming mapupulot na aral at inspirasyon mula sa mga sikat na celebrities na pumasok na rin sa pagnenegosyo ang mga Pinoy na nagbabalak na ring mag-business.
Kaya naman isa sa mga plano ng matagumpay na entrepreneur, film producer, TV and radio host na si Dr. Carl Balita ay ang makapanayam ang mga artistang may sarili na ring business ngayon.
Ito’y para nga sa bagong TV show niyang “EntrePinoy Revolution” na mapapanood na simula bukas, May 27, sa Sonshine Media Network International (SMNI) na mapapanood simula sa Biyernes, 4:30 to 5:30 p.m..
In fairness, maituturing na ring isang champion si Dr. Carl sa pagdating sa pagnenegosyo na 26 years old pa lang ay ipinagpalit na ang isang mataas na posisyon na may kinalaman sa edukasyon para maging businessman.
Pero hindi rin naging madali ang lahat para makamit niya ang tagumpay. Knows n’yo ba na nagsimula siyang mag-operate ng isang review center business na isang upuan at maliit na table lamang sa Maynila. Ngayon ay meron na siyang 120 branches sa Pilipinas at iba pang bansa.
Sa ngayon, ang Dr. Carl Balita Review Center o CBRC ang nangungunang brand sa review industry at nabigyan na ito ng Hall of Fame Award sa Franchise Excellence Award ng Philippine Franchise Association.
Nasundan pa ito ng iba pang negosyo tulad ng pagsusulat at pagpa-publish ng best selling books, pagpo-produce ng critically-acclaimed stage plays at films, pag-establish ng well designed learning experience para sa mga bata sa Pedagogy Learning Center, at ang pagbibigay ng world class service at accommodation sa Mahalta Resorts and Convention Center sa Calapan, Oriental Mindoro at iba pa.
Ang tagumpay sa negosyo ay hindi sinarili ni Dr. Carl dahil 20 taon niya itong ibinahagi sa pamamagitan ng radio at television show niya noon sa DZMM, ang “Radyo Negosyo.”
At ngayon nga, nagbabalik si Dr. Carl sa telebisyon para ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng “EntrePinoy Revolution”.
Sa ginanap na presscon para sa nasabing programa, nais nga niyang imbitahan ang mga celebrity na nagtagumpay sa kani-kanilang negosyo.
“Puwede nating imbitahan sina Judy Ann Santos, Marvin Agustin, Coco Martin, Kris Aquino, si James Reid at iyong partner niyang James din ang pangalan para mai-share nila ang ilang secrets para magtagumpay sa negosyo,” ani Dr Carl.
“Si Marvin gusto nating malaman kung paano siya nakabawi roon sa nangyari sa kanyang cuchinillo.
“Ang show na ito ay parang buffet table na maraming mapag-uusapan,” aniya pa.
Ang EntrePinoy Revolution ay may iba’t ibang segment na tiyak makatutulong tulad ng NegosYOU, Grow Negosyo, Kalye Negosyo, at SalaPinoy. Ani Dr. Carl, ang mga ito’y makai-inspire at magpapalakas sa mga may kagustuhang magnegosyo at mga nagnanais maibahagi ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.
“EntrePinoy integrates and links services of government and other NGOs and group to help the entrepreneurs grow their business. It also features on financial literary and entrepreneurial growth mind-setting for Filipinos in general,” lahad pa ng tinaguriang EntrePinoy Guru.
https://bandera.inquirer.net/296762/movie-producer-radio-anchor-carl-balita-wala-nang-atrasan-sa-2022-may-promise-sa-mga-taga-showbiz
https://bandera.inquirer.net/299843/4-na-negosyo-ni-robi-nagsara-dahil-sa-pandemya-pero-naka-survive-rin-hindi-naman-kasi-ako-maluho
https://bandera.inquirer.net/312809/andi-may-hugot-sa-pagtatayo-ng-sariling-negosyo-sa-siargao-symbolic-of-how-far-weve-come