Ronnie: Wala na kaming paki ni Loisa sa sinasabi ng ibang tao sa amin, basta masaya kaming dalawa

Ronnie Alonte at Loisa Andalio

SA darating na November, six years nang magdyowa ang Kapamilya couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte at hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang relasyon.

Marami ang umaasa at nagdarasal na sana’y sa kasalan na rin mauwi ang kanilang pagmamahalan at matulad din sa iba pang magka-loveteam sa showbiz na natagpuan na ang “forever” sa isa’t isa.

Humarap kamakailan sa ilang members ng entertainment press sina Ronnie at Loisa para sa kauna-unahang Kapamilya series na kanilang pagbibidahan, ang “Love In 40 Days”.

Ito ang magsisilbing comeback project sa telebisyon ng tambalang LoiNie tandem na huling napanood sa “Unloving” U noong 2021.

Sa nasabing presscon, game na game na sinagot ng magka-loveteam on and off screen ang ilang personal questions. Ano nga ba ang sikreto sa mas lalo pang tumatatag nilang relasyon?

“Siguro ang relasyon namin ni Ronnie, parang kaming magtropa, mag-best friend. Hindi kami gaya ng iba na kapag may problema kami, dinidibdib talaga namin, pinag-aawayan namin.

“Kasi talagang kapag may problema kami, pinag-uusapan namin agad and tingin ko ‘yun ang kinatagal ng relationship namin. Communication and trust,” sagot ni Loisa.

Sey naman ni Ronnie, napakahalaga sa isang relasyon ang pagpapakatotoo sa isa’t isa, “Sa ngayon kasi, nandoon na kami sa punto ng wala na kaming pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao sa amin.

“Ginagawa lang talaga namin kung ano ba talaga ang gusto namin off cam and sa mga pino-post namin sa Instagram na pino-post namin, nagpapaka-totoo lang kami.


“Hindi namin sino-showbiz lahat, may masabi sila sa amin wala kaming paki. Basta masaya kaming dalawa,” lahad ng binata.

Nilinaw din nila ang balitang sa isang bahay na sila nakatira ngayon. Sey ni Loisa, “Actually, may isyung ganu’n. Kasi magkalapit ang bahay namin, 15 minutes away lang Cavite siya, Laguna lang ako.

“So, parang, ‘Beh, kailangan ko kausap, usap tayo’ so ang dali lang magpunta. So kami, tara picture kami, picture tayo, pero hindi ko alam na ang issue pala is live in na. Pero ako naman, as long as na alam ko naman na hindi, okay naman kami, hindi ko naman na pinapatulan,” kuwento ng Kapamilya actress.

Pero nagpakatotoo naman si Loisa tungkol sa usapin ng live in, “Pwede naman. Pero kasi depende, e. Depende sa family mo kung paano ka pagkakatiwalaan and siyempre dapat alam mo rin ang priority mo na hindi mo pababayaan ang family mo.

“I think wala namang masama doon kasi ang dami rin namang mga magka-live in ngayon na nagtutulungan sila para mag-grow,” katwiran ni Loisa.

Sagot naman ni Ronnie, “Lagi na lang ganyan ang issue sa amin.  Masaya kami na lagi kami magkasama, and siyempre mayroon kaming mga aso and mga babies kami na kailangan namin lagi kami nagkikita. Natatawa na lang ako, pero wala lang.”

Patuloy pa niya, “Kami nga, sabi nga namin ni Loisa na ‘yung mga lumalabas na issue, wag na tayo makisali.

“Dumating na rin kasi ang punto na ang daming sinasabi ng mga tao at ang bigat sa pakiramdam kapag lagi mo silang pinapansin. So ngayon kami, hindi namin pinapansin, mas maluwag kaming nakakagalaw at mas tahimik ang buhay namin.

“Wala silang ibabatong masama sa amin hanggang ngayon, wala kaming ginagawa, wala kaming inaapakang tao,” pagbabahagi pa ng aktor.

Hirit naman ni Loisa, “Sabi nga nila ang mga hindi nila nagkikita, hindi nila maibabato nila sa’yo, kaya importante ang privacy pa rin.”

At kung tungkol naman sa kasal ang pag-uusapan, sabi ni Ronnie, “Hindi pa siguro ngayon or ano, darating tayo doon. Sa ngayon ang focus namin is i-enjoy ang buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-ipon para pagdating or dumating ang panahon na kailangan na, e di tara na!

“Darating tayo diyan kasi siguro sa ngayon, ie-enjoy lang muna namin medyo. Bata pa kami para don and wag po kayo mag-alala, ‘yun naman ang mindset namin. Nakaplano ‘yun, pero hindi pa ngayon,” dugtong ni Ronnie.

“Tama po ‘yung sinabi ni Ronnie, kasi ayaw po namin na pumasok sa ganung kataas na level of relationship na engagement na, kasi tama po. Ang babata pa po namin and marami pa kaming gagawin rin basta andito kami, to support each other,” pagsang-ayon naman ni Loisa.

Samantala, sa darating na May 30 na mapapanood sa iWant TFC, TV5, at iba pang platforms ng ABS-CBN ang “Love In 40 Days” nina Loisa at Ronnie under Dreamscape Entertainment kaya abang-abang na mga LoiNie fans!

https://bandera.inquirer.net/313909/loisa-ronnie-ready-na-nga-bang-dalhin-sa-next-level-ang-relasyon

https://bandera.inquirer.net/306658/payo-nina-ronnie-at-loisa-sa-mga-gustong-mag-artista-go-lang-nang-go-sundin-ang-nasa-puso-nyo

https://bandera.inquirer.net/314006/ayaw-pa-naming-isipin-ni-ronnie-yung-tungkol-sa-engagement-kasi-ang-babata-pa-po-namin

Read more...