'Wedding band' nga ba ang suot ni Coco Martin nang bumisita sa burol ni Susan Roces...ikinasal na? | Bandera

‘Wedding band’ nga ba ang suot ni Coco Martin nang bumisita sa burol ni Susan Roces…ikinasal na?

Reggee Bonoan |May 25,2022
facebook
share this

‘Wedding band’ nga ba ang suot ni Coco Martin nang bumisita sa burol ni Susan Roces…ikinasal na?

Reggee Bonoan - May 25, 2022 - 05:28 PM

Julia Montes at Coco Martin

HINDI lang pala kami ang nakapansin sa suot na wedding band ni Coco Martin nang dumalaw siya sa burol ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Kitang-kita ito habang ibinabahagi ang mga payo sa kanya noong una silang magkatrabaho ni Ms. Susan Roces sa teleseryeng “Walang Hanggan” noong 2012 na unang serye rin nila ni Julia Montes.

Sa nasabing eulogy ni Coco para sa kanyang lola sa showbiz na ginanap sa Heritage Memorial Park, Taguig City nitong Linggo, Mayo 22 ay kapansin-pansin talaga ang suot nitong gold wedding band sa kanang kamay.

Inisip namin kung nagpakasal na ba ang aktor kanino at kailan?

Sa kaka-upload lang na vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi sa YouTube channel nila ngayong tanghali ay binanggit ng huli na pinadalhan siya ng screen shot ng kamay ni Coco at kitang-kita nga ang makapal na wedding band sa ring finger nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe)


“Sabi nila parang wedding ring daw ‘yun napansin mo ba?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

“Hindi (napansin). Hindi ako marunong sa mga ganyan hindi nga ako nagsisingsing (sabay pakita sa mga kamay),” sagot kaagad ng talent manager at vlogger.

“Ay oo nga,” saad naman ng co-host nito sa nasabing vlog

Sabay paliwanag ni Ogie, “Totoo ba? Ito kasing si Loi wedding organizer ‘yan.”

“E, ‘yun na nga tiningnan ko ‘yung picture, e, ‘yung singsing nasa kanan,” diin ni Mama Loi.

“So, ano ‘yun hindi pa kasal?” balik-tanong ni Ogie.

“Sa ceremony kasi ng kasal sa left na kamay isinusuot ‘yung singsing para meron ‘yung ugat na nakakonek doon (minuwestra paakyat sa puso).

“Pero pagkatapos naman ng kasal depende ‘yan kung kaliwete o kanan ‘yung may suot. Kasi di ba usually ang singsing isinusuot natin doon sa hindi madalas gamitin na kamay para raw hindi nagagasgas, oo may ganu’n,” sabi ni Mama Loi.

“O, paano mo naman nasabing ‘yun nga ang ano (wedding band),” nagtatakang sabi ni Ogie.

“Kaya nga maraming nagsasapantaha na parang may wedding ring si ano, si Coco Martin!,” say pa ni Mama Loi.

“Hindi ko napansin ‘yun (kasi) ang napansin ko, tatlong beses akong bineso ni Coco. Alam mo naman si Coco pag humalik parang Sharon Cuneta rin parang hinihigop ang pisngi mo,” saad ni Ogie.

At bilang paglilinaw, “Itong iisyu na ito hindi natin alam, hindi ako marunong tumingin sa singsing, eh. Ang importante, singsing ‘yun hindi lang natin alam kung wedding ring o friendship ring.”

“Wow, friendship ring! Ha-hahaha!  Ang bagets ng friendship ring!” tumatawang sagot ni Mama Loi.

At dahil close sina Mama Loi at Ogie kay Coco na ilang beses silang bineso ay ayaw na nilang pag-usapan kung sino ang ka-friendship ring ng aktor.

“Basta ganyan, ayaw na naming i-discuss ang isyu. Ha-hahaha!” saad ni Ogie.

Sabay sabi ni Mama Loi, “I love you (Coco).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong ng madlang pipol, kasal na nga ba si Coco at kanino?

Paalala ni Susan kay Coco: Hindi importante ang pagsasalita ng Ingles, ang mahalaga ay marunong kang humarap sa tao na may dignidad

Puntod ni Susan Roces sa Manila North Cemetery tinapos ng 3 araw; kabaong itatabi kay FPJ

Paulo, Janine unti-unti nang umaamin sa relasyon; may pa-dyowa reveal na pag-uwi ng Pinas?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending