Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na 'Make sure you’re a good man'? | Bandera

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Therese Arceo |May 25,2022
facebook
share this

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Therese Arceo - May 25, 2022 - 04:56 PM

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na 'Make sure you’re a good man'?

USAP-USAPAN naman ngayon ang social media influencer at isa sa mga may matataas na YouTube subscribers na si Zeinab Harake.

Ito ay matapos mag-viral ng dati nitong partner at ama ng kanyang anak na si Skusta Clee dahil sa tila pagpapatutsada nito sa social media.

Bagamat walang pangalang binanggit ay marami sa mga netizens ang nag-react at idinamay si Zeinab sa mga post ng dati nitong dyowa.

At kahit na burado na ang naunang Facebook post nito na “Not my baby”, hindi pa rin nakaligtas sa madlang pipol ito na agad ikinunekta sa vlogger.

Maging ang sumunod na post nitong “Mababang uri ng tao. Gets n’yo na yun!” post nito ay idinikit pa rin kay Zeinab lalo na at ni-reshare nito ang IG story ni Wilbert Ross na dating na-link sa vlogger nang maghiwalay sila ng Ex-Batallion member.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

At ngayon nga ay tila si Zeinab naman ang may pinapatamaan at mabilis pa sa alas kwatro na naikonekta ng mga Marites ang mensahe ng kanyang IG story kay Skusta Clee.

Isang photo quote kasi ang ibinahagi ng vlogger sa kanyang Instagram.

“If you want a good woman by your side, make sure you’re a good man. Love and sex doesn’t keep a relationship strong, respect does.”

Mukhang ito raw kasi ang kasagutan ni Zeinab sa mga cryptic posts ni Skusta Clee na agad namang nag-trending.

Matatandaang nitong nagdaang Mother’s Day ay ibinunyag ni Zeinab na isa na siyang single mom at ang ibig sabihin nito ay hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak.

Hindi rin makikita ang Ex-Batallion member sa naganap na first birthday ng kanilang anak.

Base sa naging interview ni Zeinab sa “Toni Talks” ay muli na naman siyang niloko ni Skusta na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Hindi man ito ang unang pagkakataon na nag-break ang dalawa ngunit marami kasi ang umasa na pangmatagalan na ang relasyon nila lalo na at nabiyayaan na sila ng napaka-cute na anak na si Baby Bia at si Baby Moon na nasa heaven na ngayon.

 

Related Chika:
Larawan ni Zeinab Harake burado na sa IG ni Skusta Clee, Xian Gaza umeksena

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending