Ivana Alawi hindi totoong ayaw nang gumawa ng teleserye sa ABS-CBN dahil milyones na ang kinikita sa YouTube | Bandera

Ivana Alawi hindi totoong ayaw nang gumawa ng teleserye sa ABS-CBN dahil milyones na ang kinikita sa YouTube

Ervin Santiago |May 25,2022
facebook
share this

Ivana Alawi hindi totoong ayaw nang gumawa ng teleserye sa ABS-CBN dahil milyones na ang kinikita sa YouTube

Ervin Santiago - May 25, 2022 - 05:17 PM

Gerald Anderson, Ivana Aliw at Gerald Anderson

WALANG bahid ng katotohanan ang mga tsismis na nag-iinarte at ayaw nang gumawa ng teleserye sa ABS-CBN ang sexy star at sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Patunay nga rito ang pagtanggap niya sa upcoming series ng Kapamilya Network na “A Family Affair” kung saan makakasama niya sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake.

Makalipas nga ang dalawang taon mula nang pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN, bibida na nga si Ivana sa kanyang launching serie.

Ibig sabihin nga nito, hindi totoong ayaw nang gumawa ni Ivana ng serye dahil malaki na ang kinikita niya sa kanyang YouTube channel at hindi na niya kailangan pang magtrabaho nang bonggang-bongga.

Kung matatandaan, taong 2020 nang ihayag ng ABS-CBN ang launching project ni Ivana, ang sexy-drama na “Ang Lihim Ni Ligaya.” Ngunit nag-back out nga rito ang dalaga dahil sa COVID-19 pandemic.

“Actually, ever since naman, gustung-gusto kong gumawa ng teleserye with ABS-CBN, yung timing lang talaga.

“The last show that I was supposed to do, biglang dumating yung pandemic, yung COVID and I was keeping my family safe.

“Pero ngayon kasi parang may vaccine na and very strict ang protocols ng ABS-CBN especially with the tapings, I feel safe naman kaya gustung-gusto ko rin gumawa ng teleserye,” dire-diretsong pahayag ni Ivana sa solo mediacon na ibinigay sa kanya ng production kahapon, May 24 para sa nasabing proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Patuloy pa niyang pahayag, “Kasi very important talaga ang ABS-CBN sa akin, it’s very close to my heart, it’s my dream network.”

Aniya, may dahilan ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay, lalo na sa takbo ng kanyang career kaya feeling niya, ito na ang perfect time para magbalik-telebisyon.

“Ayun nga, in God’s perfect time kasi yun nga, dumating na yung COVID, pandemic, nag-lockdown tayo so I learned more things habang naka-lockdown.

“So I try to look at things personally na parang kapag may nangyayari, may dahilan si God,” ani Ivana na isa pa rin sa pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan dahil sa kanyang kaseksihan.

Noong 2017 nagsimulang makilala si Ivana dahil sa kanyang role sa Kapamilya primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan naging lover siya ng yumaong movie and television icon na si Eddie Garcia.

Pagsapit naman ng 2019, naging isa siya sa lead cast ng suspense serye ng ABS-CBN na “Sino Ang Maysala” kung saan nakasama niya sina Jodi Sta. Maria, Kit Thompson, Bela Padilla, Tony Labrusca at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ngayon nga, magbibida na siya sa sarili niyang drama series, ang “A Family Affair” produced by Star Creatives, and directed by Jerome Chavez Pobocan and Raymund Ocampo.

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending