Eddie Gutierrez humagulgol sa lamay ni Susan Roces: ‘I miss you, you will always be a part of my life…see you in heaven’

Eddie Gutierrez at Susan Roces

NAPAKASAKIT ng pag-iyak ng veteran actor na si Eddie Gutierrez habang inaalala ang magandang samahan nila ng yumaong aktres na si Susan Roces.

Talagang humahagulgol ang ama nina Richard at Ruffa Gutierrez sa kanyang eulogy para sa longtime screen partner niya kagabi, May 24, sa The Heritage Park sa Taguig.

Sa mga hindi pa nakakaalam, naging magka-love team sina Susan at Eddie noon at marami-rami rin silang nagawang pelikula sa Sampaguita Pictures noong dekada 60 at sa Regal Films noong dekada 80.

Hindi rin napigilan ng iba pang nasa lamay ng yumaong aktres ang mapaiyak habang nakikinig sa speech ni Eddie kung saan pinatunayan niya kung gaano kalalim ang kanilang pagkakaibigan.

Binalikan ni Eddie ang isang hindi nila malilimutang tagpo ni Susan nang mag-shooting sila sa Las Vegas ng “Eddie Loves Susie” noong 1963.

Ito yung araw nang makita nila nang personal ang King of Rock & Roll na si Elvis Presley, na super idol ng dating matinee idol. Nangyari raw ito nang tumambay sila sa coffee shop ng Flamingo Hotel kung saan talagang hinintay nila ang pagbaba ni Elvis mula sa kuwarto nito.

“Mga 6:35, pagbukas ng elevator, Elvis Presley! Dalawang bodyguard sa harap, dalawang bodyguard sa likod. ‘Elvis!’ sabi ni Susan.

“Sabi niya (Elvis) sa amin, ‘You folks from the Philippines?’ ‘Yes,’ sabi ko. ‘Well, I met some Filipino folks, they surely don’t look like you!’

“Sabi ko, ‘Who did you meet?’ ‘I met the ReyCards!’ Si Carding pala!” ang natatawang pag-alala ni Eddie na ang tinutukoy ay sina Carding Castro at Rey Ramirez ng singing comic duo na ReyCard Duet na nagpe-perform noon sa Las Vegas.

“So, sabi niya, ‘What are you doing here in Vegas?’ ‘We’re doing a film,’ sabi ko. ‘What’s the title of your film?’ ‘Eddie Loves Susie.’

“‘Eddie? Susie? Are you married?’ ‘No! No!’ Sabi ko, ‘We’re just partners in this movie.’ Sabi ko, ‘Elvis, you should go to the Philippines. Do a concert there. You are well-loved in the Philippines. Everybody is your fan.’

“Sabi niya, ‘Maybe someday. You wanna have a picture with me? C’mon let’s get out in the sun.’

“So, lumabas kami sa likod. Nandoon ang limousine niya. Nandito yung isang van, mga bodyguard niya. Dalawang hagad sa harap. Dalawang hagad sa likod.

“Tapos yung cameraman namin, pumuwesto na. Kukunan na kami ng picture. May humawak sa kamay niya. Ibinaba yung kamay ni Agra.

“Sabi ko, ‘Elvis, what’s wrong?’ Sabi niya, ‘My photographer will take the picture then we’ll mail it to you if it comes out good.’

“What do you mean?’ Sabi niya, ‘No, no, I’m just joking.’ So, eto na, yung photographer ni Elvis yung kukuha sa amin ng picture. So, ako nandito, si Elvis, si Rosemarie (Sonora), si Susan nandito sa farther right.

“Nu’ng kukunan na ng picture, sabi ni Susan, ‘Wait! Wait!’ Hinawakan niya si Rosemarie, ibinalibag! Tumabi siya ngayon kay Elvis. Kinunan kami ng picture na yun,” lahad pa ng aktor.

Patuloy pa niya, “Nag-uusap kasi sila ni Susan so sinisilip ko siya. Ang mata, blue eyes! Pati butas ng tenga, sinisilip ko, kasi pareho kami ng height, e.

“Tapos inaamoy-amoy ko pa. Ang bango! Ang bango ni Elvis! Pagkatapos, sabi niya, ‘Well, I can’t stay long. I got shooting at Boulder Dam. You guys have a nice time here.’ And sabi niya, ‘I hope your film makes good. I gotta go.’

“Sakay siya ng limousine niya. Habang umaabante nang ganoon, ibinaba pa niya yung salamin, kumaway nang ganoon sa amin. ‘Naku, ang guwapo ni Elvis!’ ang sabi ni Susan,” sabi pa ni Eddie.


Tinupad naman daw ni Elvis ang promise niya na ipapadala ang kanilang litrato sa bahay na tinuluyan nila noon ni Susan sa Los Angeles, California.

“Sabi ko, ‘Sige, Susan, sa ‘yo na ito.’ Nu’ng umuwi na kami ng Pilipinas, after three or four days, may dumating na picture namin. Ipina-photocopy pala ni Susan. Iniregalo sa akin, naka-frame. So, yun ang memories ko kay Susan.

“Alam naman ng lahat na si Susan, hindi lang maganda kundi pati puso niya maganda so I will really miss her,” ang umiiyak nang kuwento ni Eddie.

Bukod dito, ibinahagi rin ng beteranong aktor ang huling pag-uusap nila ni Susan sa 80th birthday celebration nito noong July 28, 2021.

“Nu’ng last birthday niya, tinawagan ko siya. Sabi ko, ’80!’ ‘Oo nga, 80 na ako,’ sabi niya. Nag-usap kami almost an hour. Sabi niya, ‘Eddie, wala na yung mga kasama natin. Si Bobby (Romeo Vasquez), si Amalia (Fuentes), si Jose Mari (Gonzales), si Liberty (Ilagan), si Lito Legaspi. Tayo na lang dalawa.’

“Hanggang, yun nga, birthday niya, parang all of a sudden, naging malungkot siya. Tapos nagpaalam na kami, sabi niya sa akin,’Take care.’

“Sabi ko, ‘Ikaw rin, take care. Mahal na mahal kita, Susan.’ ‘Ikaw rin,’ sabi niya, ‘Mahal kita,’” ang humahagulgol pang kuwento ni Eddie.

https://bandera.inquirer.net/314062/payo-ni-susan-kay-coco-hindi-importante-ang-pagingles-ang-mahalaga-ay-marunong-kang-humarap-sa-tao-na-may-dignidad

https://bandera.inquirer.net/314195/puntod-ni-susan-roces-sa-manila-north-cemetery-tinapos-ng-3-araw-kabaong-itatabi-kay-fpj

https://bandera.inquirer.net/313083/liza-dino-kay-robin-congratulations-kuya-senator-sa-wakas-maipapasa-na-ang-eddie-garcia-bill

Read more...