Sharon nagdurugo, wasak ang puso sa pagpanaw ni Susan Roces: Kumbaga sa Star Wars, ito ‘yung last of the Jedi knights…

NAGDURUGO at wasak din ang puso ni Megastar Sharon Cuneta sa pagkamatay ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.

Hindi rin napigilan ni Sharon na maging emosyonal nang magbahagi siya ng mensahe para sa nanay-nanayan niya sa mundo ng showbiz last Sunday, May 22, sa burol ng premyadong aktres sa The Heritage Park sa Taguig.

Inalala ni Mega ang mga masasayang moments nila ni Susan Roces at ng yumao rin nitong asawa na si Da King Fernando Poe, Jr..

“Nakakalungkot para sa aming kilala nang personal ang pamilyang Poe. Napaka-blessed namin to have been somehow…to be part of your parents’ lives and yours (Sen. Grace Poe), too, in a way,” pahayag ng OPM at movie icon. 

Pagpapatuloy pa ni Sharon, “Pero my heart is really bleeding for this industry that Tita Susan loved so much and that I have loved so much. 

“Nalulungkot ako dahil isang poste na naman ng industriya ang nawala. Kumbaga sa Star Wars, ito ‘yung last of the Jedi knights,” mensahe pa niya. 

Kuwento pa ng Megastar, na ilang beses na ring nakatrabaho sa pelikula ang namayapang veteran star pati na rin ang asawa nitong si FPJ, talagang pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa.

“Siguro marami pong hindi nakakaalam ng aming history ng mga Poe. Nu’ng ipinanganak ko po si KC (Concepcion) nu’ng 1986, naging ninong niya po si Tito Ronald (FPJ). 

“Tapos siyempre hindi pa kami masyadong magkaibagan nun. Siyempre darating ‘yung hari. But he was just the humblest person I met,” ani Mega.

Binalikan din niya ang naging experience niya working with the movie icon sa pelikulang “Buy One, Take One.”

“In 1988, I was given the chance to work with the Queen of Philippine Movies. And nakatrabaho ko na po ‘yung ibang tunay na reyna din — sina Tita Gloria Romero tapos ‘yung mga yumao na po na sina Tita Nida Blanca na naging mommy ko na sa pelikula. Ganu’n din po si Tita Nena (Amalia Fuentes).

“Tapos si Tita Susan ‘yung magkapatid kami. So we’re together in most of the scenes in the movie Buy One Take One. And that was when I started thinking ‘Oh my God, this is real movie queen.’ 

“And it breaks my heart na ‘yung isa sa mga naging huwaran ko bilang artista at tao ay nawala nga,” aniya pa.

Chika pa ni Mega naging mas close pa siya kay Susan nang gawin nila ni FPJ ang “Kahit Konting Pagtingin”. Hinding-hindi raw  malilimutan ni Shawie ang palaging sinasabi noon sa kanya ng aktres kapag nag-uusap sila sa telepono.

“’Shawie, you’re family. You will always be family. We are family. Don’t forget that.’ That’s what she told me. What a loving, selfless family,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/314062/payo-ni-susan-kay-coco-hindi-importante-ang-pagingles-ang-mahalaga-ay-marunong-kang-humarap-sa-tao-na-may-dignidad

https://bandera.inquirer.net/313872/judy-ann-santos-john-prats-bela-padilla-bong-revilla-nagluluksa-sa-pagkawala-ni-susan-roces

https://bandera.inquirer.net/313858/susan-roces-pumanaw-na-buong-showbiz-industry-nagluluksa

Read more...