DonBelle nagpasabog ng kilig sa 2022 Star Magic All-Star Games, hirit ng fans: Dyowa reveal na ba yarn?!

Belle Mariano at Donny Pangilinan

GRABE! As in grabe talagang magpakilig ang tambalang Belle Mariano at Donny Pangilinan na muli na namang nagpasabog ng good vibes sa 2022 Star Magic All-Star Games nitong nagdaang weekend.

Lantaran na rin ang pagiging extra sweet ng phenomenal loveteam ng ABS-CBN kaya naman hindi maiaalis na isipin ng kanilang milyun-milyong fans na may “something” na nga sa pagitan ng dalawa.

Isa nga sa napansing patunay ng mga nakapanood last Sunday sa pagbabalik ng Star Magic All-Star Games ay ang suot ni Belle na high school jersey na pinaniniwalaang pag-aari ni Donny.

Si Belle ang muse ng Star Magic Dream Team, kung saan ka-join nga si Donny para sa basketball game na ginanap sa Araneta Coliseum.


Nu’ng una ay nakasuot ng blue jersey ang dalaga ngunit nagpalit ito ng kulay maroon na may nakasulat na “Brent” sa harap at “Pangilinan” naman sa likod na may number 15.

Ang comment ng mga netizens na nakakita sa nasabing litrato, ito raw ay ang basketball jersey ni Donny sa Brent International High School sa Laguna.

At talaga namang all-out ang naging pagsuporta ni Belle sa paglalaro ni Donny. At habang super cheer ang dalagita sa binata, nakitang may hawak din siyang isa blue jersey, na katulad na katulad ng No. 10 uniform ni Donny sa All-Star Games.

Narito ang ilang comments ng netizens sa mga sweet photos ng magka-loveteam sa socmed pagkatapos ng basketball game.

“SUOT BRENT JERSEY NI DONNY AND PICTURE TAKING AT THE END OF THE GAME. SANA ALL BELLE MARIANO HAHAHA chz ganda rin ni sizt irl!”

“Belle wearing donny’s brent jersey is the death of me. just how fast the night changes talaga aaah!”

“Ano po yung request natin best cheerleader ni Donny???”

“Tingnan niyo reaction ni Donny nung pinakita ni Belle yung suot . Shuta may pa taas taas ng kilay at smile pa like nagmamayabang na suot ng jowa yung jersey niya.”

“Dyowa reveal na ba ito? Halata na ang galawan. Lets wait na lang sa major major announcement maybe after ng hes into her season 2?”

Sa isang courtside interview, natanong si Belle tungkol sa suot niyang maroon jersey, aniya, “Alam naman nating lahat kung sino dito ang MVP ko, ‘di ba?”

At sa sundot na tanong kung saan siya humuhugot ng matinding energy sa pagtsi-cheer habang nagaganap ang basketball game, sagot ng young actress, “Sa kaniya (sabay turo kay Donny). Sa lahat ng nandito, sa kanila ko nakukuha ang energy ko.

“Sa mga Bubblies na nandito, thank you so much! We love you! Maraming, maraming salamat po!” sabi pa ni Belle.

At nang matapos nga ang awarding ceremony, nakunan din ng mga litrato ang paglapit ni Donny kay Belle para ibigay ang kanyang medal. Nakita rin ang pagho-holding hands nila habang naglalakad sa venue.

Samantala, sa Instagram post ni Donny pagkatapos ng laro, makikita ang isa pang sweet photo nila ni Belle na kuha sa basketball court na may caption na, “Best cheerleader, thank you.”

“You were so good!” ang reply naman ni Belle.

Sa IG naman ng young actress, nag-post din siya ng ilang pictures nila ni Donny at may mensaheng, “Proud of you!”

https://bandera.inquirer.net/309274/donny-belle-totoong-totoo-ang-relasyon-magkasabay-na-nagma-mature-bilang-magka-loveteam

https://bandera.inquirer.net/311113/belle-mariano-mas-naging-close-pa-ngayon-kay-donny-pangilinan-i-trust-him-so-much-sobra-talaga

https://bandera.inquirer.net/312677/belle-donny-umamin-na-kaya-sa-tunay-na-estado-ng-relasyon-pagkatapos-ng-eleksyon

Read more...