Susan may ‘pamanang’ kanta kay Julia: Wag po kayong mag-alala, lahat po ng turo ninyo ay di mawawala sa aking puso

Susan Roces, Coco Martin at Julia Montes

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA noong Sabado na lumuwas ng Maynila ang team ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kahapon para makadalo sa pamisa para kay Susan Roces.

Gumanap bilang Lola Flora ang beterana at premyadong aktres sa aksyon serye ni Coco Martin na magtatapos na ngayong Hulyo, 2022.

Sa Heritage Park, Taguig City ang burol ni Ms. Susan kung saan nagpunta ang halos lahat ng malalaking bituin noon at ngayon para magbigay ng huling pagrespeto sa tinaguriang Queen of Philippine Movies.

Pagkatapos ng misa at magpahinga nang ilang oras ay muling bumalik ang grupo ni Cardo Dalisay sa Ilocos Sur para sa huling cycle ng lock’in taping nila sa “FPJAP.”

Samantala, kitang-kita at ramdam ng mga nakakita ang dalamhati nina Coco at Julia Montes sa pagpanaw ni Lola Flora lalo’t malaking parte ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang kabiyak ni Da King Fernando Poe, Jr..


Base sa kanilang Instagram post  ay inalala at binigyang-pugay nina Coco at Julia ang itinuring na nilang tunay na lola.

“Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, pag gabay at pag aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!” saad ni Coco.

Ang mga sulat naman ni Ms. Susan ang ipinost ni Julia at nagpasalamat sa mga itinuro sa kanya ng yumaong aktres.

Ang nakakaiyak na caption ni Julia, “One of the few handwritten letters from you…

“Hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advice sa buhay at sa buhay pag-ibig, mga magandang alala ninyo ni Sir FPJ na binabahagi ninyo bilang aral… mga kwento na hindi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan.

“Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi n’yong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala n’yo ko at yung pagkakataong binigyan n’yo po ko ng CD na may kantang ‘Greatest Love of All’ sabi ninyo sakin ‘wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding-hindi ko po ‘yun makakalimutan…

“Wag po kayong mag-alala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po!”

https://bandera.inquirer.net/314062/payo-ni-susan-kay-coco-hindi-importante-ang-pagingles-ang-mahalaga-ay-marunong-kang-humarap-sa-tao-na-may-dignidad

https://bandera.inquirer.net/313858/susan-roces-pumanaw-na-buong-showbiz-industry-nagluluksa

https://bandera.inquirer.net/313872/judy-ann-santos-john-prats-bela-padilla-bong-revilla-nagluluksa-sa-pagkawala-ni-susan-roces

Read more...