MAY victory party ang mga nanalong kandidato sa nakaraang Halalan 2022 pero ang nag-number one sa senatorial race na si Robin Padilla.
Abala sa maraming bagay ngayon ang aktor na ngayo’y public servant na kaya ang manager niyang si Betchay Vidanes ang tinanong namin kung may pa-victory party ang alaga niya.
“Naku wala, dami need gawin na,” matipid nitong sagot nang padalhan namin ng message sa Instagram.
Oo, maraming gagawin si Robin dahil aminado siyang magpapaturo siya at aaralin niya ang ibang batas sa tulong ng kinuha niyang consultant ang dating Presidential spokesperson na si Atty. Salvador Panelo na kumandidato ring senador pero hindi pinalad manalo.
At dahil gustong mag-focus ni Robin sa bago niyang trabaho sa gobyerno ay iiwanan muna niya pansamantala ang movie industry at nabanggit niya ito sa kanyang panayam sa ABS-CBN.
Aniya, “Mahalaga sa akin na magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas. Last movie ko na ‘yun (may tatapusin bago umupo sa June 30). Mananatili na lang ‘yung show ko sa TV (Unlad: Kaagapay sa Hanapbuhay sa NET 25). Pero sa showbiz last ko na ‘yun.”
At dahil sa pahayag na ito ni Sen. Robin Padilla ay pinuri siya ni “TV Patrol” anchor Karen Davila.
Tweet ni Karen kamakailan, “GOOD MOVE Sen Robin Padilla. Winning showbiz candidates should stop treating the senate like a bonus or just a stature post. Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less.”
Ang daming nag-retweet sa sinabing ito ni Karen at marami rin ang nag-like.
Samantala, sa kanyang Facebook account ay isa-isang pinasalamatan ni Sen. Robin ang lahat ng mga tumulong sa kanya at binanggit niya ang mga probinsyang nag-number one siya.
Kabilang na rito ang Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes (number 10), Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, Aurora, Bataan (number 5), Bulacan- Plaridel (number 5), Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac (number 2), Zambales, Batangas (number 4), Cavite (number 3), Laguna (number 4), Rizal (number 3), Quezon (number 3), Marinduque (number 4), Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon (number 7), Albay (number 11), Camarines Norte, Camarines Sur (number 10), Catanduanes (number 5), Masbate (number 2), Sorsogon (number 5), Aklan (number 6), Antique (number 3), Capiz (number 3), Guimaras Island (number 30), Iloilo (number 9), Negros Occidental (number 4), Bohol, Cebu (number 2), Negros Oriental (number 2), Syquijor, Biliran, Eatern Samar, Northern Samar (number 2), Samar (number 5), Leyte, Southern Leyte.
Wagi rin siya sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon (number 2), Camiguin (number 15), Misamis Oriental, Misamis Occidental (number 3), Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao Occidental, Cotabato, South Cotabato, Saranggani, Sultan Kudarat, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Caloocan City (number 5), Las Pinas (number 6), Makati City (number 7), Malabon City (number 4), Mandaluyong City (number 5), Manila (number 5), Marikina City (number 8), Muntinlupa City (number 5), Navotas (number 4), Paranaque City (number 3), Pasig City (number 6), San Juan City (number 7), Taguig City (number 3), Valenzuela (number 6), Pasay City (number 3), Pateros (number 7), Quezon City (number 5).
Nandiyan din ang Angeles City, Bacolod City (number 7), Baguio City (number 2), Butuan City (number 1), Cagayan de Oro (number 2), Cotabato City (number 3), Dagupan, Davao City, General Santos City, Iligan City, Lapu-Lapu City, Naga City (number 19), Olongapo City (number 3), Puerto Princesa (number 2), Santiago City, Tacloban City, Zamboanga, at Ormoc City.
Lahat ng mga bayan at lalawigan ay pinasalamatan ni Robin ang mga nakaupong senator, gobernador, mayor at lahat ng tumulong sa kanya para maging number 1 at mapasama siya sa Magic 12.
Abut-abot din ang pasalamat ng bagong halal na senador sa mga kababayan nating OFW na aniya’y mga bayani ng bansa dahil sa mataas na numerong ibinigay sa kanya tulad sa mga bansang Syria (number 3), South Africa, India n Nepal (number 2), Jordan, Laos Peoples Democratic Republic (number 2), Athens, Poland, Pakistan, Hungary (number 2), Chile, China, Tehran (Iran), Mexico City (number 4), Nairobi, Prague, Nigeria, Denmark (number 2), Vatican (number 20), Myanmar (number 4), at Norway (number 2).
At siyempre sobrang nagpasalamat siya sa mga teachers, sundalo, mga pulis, government employees dahil nakatanggap siya ng 46,331 boto na ginawa siyang number 1.
“Kayo pong mga naghirap sa halalan na ito, mga nilipasan ng gutom, nabalutan ng takot, lahat po dumating na sa inyo, maraming salamat po, kayo ang mga bayani,” aniya pa.
Anyway, aware pala si Robin sa mga naririnig niyang pangmamaliit sa kanya kung bakit siya ang number one.
“Hindi na po tayo naapektuhan dito kasi napagdaanan ko na lahat ito, mga pasakalye tanggap lang po tayo nang tanggap. Wala po kasi tayong panahon para namnamin o pag-isipan pa ang mga ganitong hirit dahil napakalaki po ng problema ng ating hinaharap.
“Mga kababayan, tayo po ay haharap sa mga pagsubok sa ekonomiya (ng bansa) dulot po ng pandemic ng pandemic, thrillon of dollars po ang nawala sa ekonomiya,” pahayag ni Sen. Robin.
https://bandera.inquirer.net/293234/robin-padilla-humingi-ng-tulong-sa-netizens-pulitika-o-pelikula
https://bandera.inquirer.net/313142/cesar-sa-bashers-hintayin-na-lang-po-natin-kapag-nakaupo-na-si-sen-robin-its-unfair-to-judge-him-now
https://bandera.inquirer.net/296365/kim-chiu-may-pasabog-na-prod-number-1-year-na-sa-its-showtime