Alice Dixson nilinaw na buhay pa ang nanay ni Sassa: Ayoko naman angkinin ang credit sa pagpapalaki ng kanyang anak

Alice Dixson at Sassa

NILINAW ng “First Lady” actress na si Alice Dixson na buhay pa ang tunay na nanay ng “panganay” niyang anak na si Sassa.

Ayon kay Alice, ang binanggit niyang “eldest daughter” sa kanyang Mother’s Day post ay hindi niya tunay na anak pero teenager pa lamang ay siya na ang nag-alaga at nagpalaki sa dalaga.

“She came into my life, teenager pa lang siya.

“Dahil strict ’yung father niya, parang ang hirap ko siya ipakilala sa buong mundo. Hindi totoo na ngayon ko lang siya na-introduce,” ang pahayag ni Alice sa panayam ng “24 Oras”.

Paglilinaw pa ng Kapuso actress, hindi siya nabigyan ng pagkakataon na ipakilala si Sassa sa publiko pero palagi raw niya itong nakakasama sa loob ng 10 taon.

“Sa totoo lang, lagi ko siyang kasama sa mga lakad ko starting, I don’t know, let’s say at least 10 years ago. Kasama ko siya sa mga lakad ko although hindi ko siya binabanggit,” chika pa ni Alice.

Sey pa ng kontrabida sa Kapuso primetime series na “First Lady”, kahit hindi siya ang biological mom ni Sassa proud na proud siya sa dalaga at ina-acknowledge rin niya ang pag-aalaga sa bata ng tunay nitong ina.

“Buhay naman ang mom niya. Ayoko naman angkinin ang credit sa pagpapalaki ng kanyang anak, yet I was there because hiwalay sila ng father and mother niya.

“Gusto ko rin ibigay ’yung respeto sa kanyang mom din na siya talagang nagpalaki sa kanyang anak,” lahad ni Alice.


Nauna rito, ibinandera nga ng aktres ang tungkol kay Sassa sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Mother’s Day. Dito, ipinost niya ang litrato nila ng kanyang “panganay.”

“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice.

“Pero ngayon na young lady na siya at Master’s grad pa (But now that she’s a young lady and a Master’s (graduate), the world is now her oyster.

“I’m so very proud of the woman you are becoming  – beautiful inside and out,” ang caption ni Alice sa kanyang IG post.

Noong May, 2021 ginulat ng aktres ang publiko nang ipakilala niya sa buong universe ang anak na si Baby Aura na produkto ng surrogacy.

https://bandera.inquirer.net/305037/alice-inatake-ng-sepanx-nang-mawalay-sa-anak-para-sumabak-sa-lock-in-taping-ng-first-lady

https://bandera.inquirer.net/281257/wish-ni-alice-natupad-makalipas-ang-10-taon-may-baby-na

https://bandera.inquirer.net/286504/banta-ni-sassa-gurl-kabahan-na-kayo-barbie-at-jak-dahil-ako-na-ang-ibinabalita-ng-gma-lagot

Read more...