TOTOO nga ba ang chika na inalok ng posisyon sa gobyerno ang direktor at film producer na si Paul Soriano matapos manalo ang sinuportahang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.?
Lantaran ang ginawang pangangampanya ng direktor at ng asawa nitong si Toni Gonzaga para sa kandidatura ni President-elect Bongbong Marcos at sa running mate nitong si Sara Duterte.
Si Paul din ang nagsilbing direktor ng mga campaign ads nina Bongbong at Sara habang si Toni naman ang nag-host ng mga campaign rallies ng UniTeam.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Paul ay pamangkin ng misis ni BBM na si Liza Araneta at ninong din ang bagong halal na pangulo ng bansa sa kasal nina Paul at Toni.
Sa panayam ng ABS-CBN, mariing pinabulaanan ng direktor ang chika na may offer na raw sa kanya ang UniTeam para sa isang government position.
Paglilinaw ng mister ni Toni, ngayong tapos na ang eleksyon, magbabalik na siya sa dati niyang trabaho — ang pagdidirek at pagpo-produce ng mga pelikula at events.
“I’ve not been offered anything. I am back to my job, producing films and commercials.
“Currently we’re preparing for the straight airing on Netflix this July of the comedy drama, The Untitled, with Alex Gonzaga,” paliwanag ni Paul.
Wala rin daw bahid ng katotohanan ang chika na maaari rin siyang italaga bilang kalihim ng Department of Tourism o kaya’y sa Presidential Communications team ng Marcos administration.
Pero handa raw siyang magdirek sa unang State of the Nation Address (SONA) ng susunod na Pangulo kung pakikiusapan uli siya.
“If there’s a need for me to help, I will be there in whatever capacity. I’ve been supporting him from the start and I will continue to do that. He can count on us,” sey ni Paul.
Samantala, balak namang bumalik sa paggawa ng pelikula ang misis niyang si Toni. Ipagpapatuloy din nito ang kanyang online show na “Toni Talks.”
“She’s also willing to be of service to the President, if she’s needed,” ani Direk Paul.
https://bandera.inquirer.net/300467/hirit-ni-bongbong-kay-direk-paul-soriano-ano-ang-sikreto-mo-at-fresh-ka-kahit-nasa-initan
https://bandera.inquirer.net/307718/bongbong-marcos-inspirasyon-ang-ant-man-sa-pagtakbo-bilang-presidente
https://bandera.inquirer.net/303704/vice-inalok-na-tumakbo-sa-eleksyon-2022-naloka-ako-ipapahamak-ko-ang-pilipinas