NAGPATALBUGAN sa hubaran at churvahan sa kama ang dalawa sa mga promising bombshell ng Viva Artists Agency na sina Denise Esteban at Angela Morena.
Yan ay sa pamamagitan ng latest digital series ng Vivamax directed by GB Sampedro, ang “High (School) On Sex” that starts streaming on June 5.
Tungkol ito sa mga high school students at ang kanilang magiging unang discoveries at karanasan sa sex. Dito gaganap si Denise bilang si Issa na kilala sa school bilang expert na sa sex pero sa totoo lang, isa siyang certified virgin.
Samantala, gaganap naman si Angela bilang si Mavic, na inaakala ng lahat isang inosente at virgin pero sandamakmak na ang experiences sa pakikipag-sex.
Sa virtual mediacon ng “High On Sex” sinagot nina Denise at Angela ang maiinit na usapin hinggil sa sex. Paano at kanino nga ba nila natutunan ang tungkol sa sex?
“Ideally, you should learn it from your parents but kadalasan, we learn it from our friends, our classmates.
“Kami ng friends ko, nanonood kami sa phone ng porn. And when Vivamax took me to do sexy movies with them, I did my own research by watching porn sites which are now so accessible,” pag-amin ni Denise.
Sey naman ni Angela, “Ako naman, I learned it from my teacher sa school, she explained it to us. Also from my classmates. Then when I was with my aunt in Singapore, she allowed me to watch porn.”
Ano ang pananaw nila about having sex o ang pakikipag-love making? Sagot ni Denise, “Sex as a word is not really bad. Kung walang sex, di wala rin tayo rito sa mundo.
“I think we should talk about it more openly para clear sa kids at hindi nila bigyan ng ibang interpretasyon. Kaysa kung itinatago sa kanila, lalo lang sila naku-curious,” dagdag pa ng dalaga.
Para kay Angela, “For me, dito lang naman sa Pinas nagiging big deal ang sex at madumi ang dating.”
“Sa ibang cultures, hindi naman. So sana matanggap ng mga tao na ang sex is just normal in our lives, basta nakalagay sa tamang use and context,” dugtong niya.
Keri lang ba sa kanila ang pre-marital sex? “I was brought up by my parents sa belief na you should give yourself sa kung sino lang ang mapapangasawa mo,” sagot ni Denise.
“But now I’ve learned to understand the opinion of other people. Kanya-kanyang paniniwala naman yan,” esplika pa ng sexy star.
“Traditional culture yung belief na sex is only in marriage, dapat sa asawa mo lang,” chika naman ni Angela.
“Some people think sex before marriage is parang immoral. But we’re all entitled sa sarili nating paniniwala, so I just respect the perspective or choice of other people,” dagdag niya.
Natanong din namin sila kung mas gusto ba nila na mas magaling sa kama ang kanilang partner. Ani Denise, “At this point, wala akong iniisip na ganyan. I’m just totally focused sa career kasi nagsisimula pa lang ako.”
Para kay Angela, “Ano ba basehan kung magaling ang isang tao sa sex? More important for me is may love between you two and you satisfy each other. Kahit hindi siya magaling, okay lang akong magturo kasi I like being dominant.”
Kasama rin sa “High On Sex” sina Wilbert Ross at Kat Dovey.
https://bandera.inquirer.net/312811/angela-morena-kinagat-sa-labi-si-sean-de-guzman-nag-cut-na-si-direk-sa-halikan-pero-ayaw-pa-niyang-tumigil
https://bandera.inquirer.net/312389/baguhang-sexy-star-na-si-denise-esteban-handang-makipagsabayan-sa-hubaran-kina-aj-raval-cindy-miranda-at-angeli-khang
https://bandera.inquirer.net/307840/rob-guinto-angela-morena-josef-elizalde-nadala-nga-ba-sa-kanilang-love-scenes