Sylvia natatakot sa pagsosolo ni Ria sa buhay: Kasi minsan naaabuso na siya at nasasaktan ako para sa kanya

Sylvia Sanchez at Ria Atayde

AALIS na si Ria Atayde sa poder ng kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde para subukan sa kauna-unahang pagkakataon ang pagiging independent.

Ayon kay Ibyang, ito na ang panahon para matutunan niya na mag-let go sa dalaga niyang anak na nakatakda na ngang magsolo sa kanyang buhay.

Sabi ng award-winning actress, kahit mahirap sa kanya, kailangan niyang tanggapin nang buong puso na ito na ang takdang panahon para bigyan ng freedom si Ria sa desisyon nitong magsolo sa buhay.

“Honestly, si Ria ay pakpak namin na mag-asawa. Pilay talaga kami kapag nawala siya, alam mo ‘yon? Hindi lang yon, siyempre sanay ako na buo silang magkakapatid, nandiyan sila, tapos nakikita ko sila, tapos biglang-bigla aalis na siya, hindi ba?

“Kailangan kong mag-let go, ‘yun lang ‘yon. Noon, ayaw na ayaw ko talaga. Ngayon, kailangan kong tanggapin but deep inside mabigat pa rin.

“But ganoon eh, tumatanda sila, magkakaroon sila ng sarili nilang pamilya. Okay lang na umalis kayo sa bahay basta make sure na ang Sunday niyo ay sa akin. ‘Yung doon kayo magla-lunch, kung puwede manood tayo ng sine, alam mo yon? Yung ginagawa namin ngayon,” dire-diretsong pahayag ni Sylvia sa panayam ng “Magandang Buhay.”


Pagpapatuloy pa niya, “Actually hindi ako takot na umalis si Ria sa bahay. Kasi kailangan ko ring maging independent na, na wala na si Ria.

“Kasi buong buhay ko nakaangkla ako sa kanya, dependent ako sa kanya, siya ang umaayos for me. So kailangan ko ring matuto roon,” sabi pa ni Sylvia.

Naluha naman si Ria habang pinakikinggan ang mensahe ng ina.

Dagdag pa ni Ibyang, naniniwala siya na kakayanin ni Ria ang pagiging independent pero bilang ina natatakot siya na baka maabuso ng ibang tao ang kabaitan ng anak

“Mabuting tao si Ria. People pleaser siya. Sobra siyang mabait sa lahat. Kung sinasabi niyo na grabe ako mag-alaga ng kaibigan ng mga tao, ito (Ria) times 10. Maniwala kayo. Na to the point na naaabuso siya.

“Kapag mayroong nanggaganu’n sa anak ko, ako ang nasasaktan kasi hindi niya deserve. So sinasabi ko sa kanya, ‘anak, ito lang gusto ko kapag nagkaroon ka ng sariling bahay, please iparespeto mo ang bahay mo.’

“Sabi niya, ‘Mom, nirerespeto naman ako.’ ‘Alam ko, pero dapat bahay mo, bahay mo, hindi magiging tambayan. Alam mo ‘yon, kapag wala sa bahay, walang kaibigan.’ Takot ako kasi nate-take advantage siya,” pahayag pa ni Ibyang.

Sey naman ni Ria, “I already feel na independent naman ako in general. Like as a person, I am pretty independent.

“Pero feel ko ‘yung independent din sila sa akin parang it’s more like pini-prepare ko na. Pero you know what I mean kapag dumating kasi ‘yung araw na kasal na ako I will be handling my own family already.

“So mas ‘yun ang transition na kung nasaan kami. I am excited but also sobrang nakakatakot. Pero feeling ko naman uuwi-uwi pa rin naman ako,” sey pa ni Ria.

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya

Ria Atayde nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Joshua Garcia: I’m super comfortable with him

Read more...