'Ang Probinsyano' hindi na aabot sa 7th anniversary, nagluluksa sa pagkawala ni Lola Flora | Bandera

‘Ang Probinsyano’ hindi na aabot sa 7th anniversary, nagluluksa sa pagkawala ni Lola Flora

Reggee Bonoan |May 21,2022
facebook
share this

‘Ang Probinsyano’ hindi na aabot sa 7th anniversary, nagluluksa sa pagkawala ni Lola Flora

Reggee Bonoan - May 21, 2022 - 07:08 PM

Ang Probinsyano hindi na aabot sa 7th anniversary, nagluluksa sa pagkawala ni Lola Flora

Image of Ang Probinsyano cast from Instagram: @cocomartin_ph

TINANONG namin ang taga-Dreamscape Entertainment kung bakit hindi na ito paabutin sa Agosto ang seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” para sana sa 7th year anniversary.

“Hindi na kasi si Darna committed na for July,” kaswal na sabi sa amin.

Si Jane de Leon ang gaganap na Darna at hinihintay na ang paglipad niya sa Hulyo.

Samantala, nagluluksa ang buong Team ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa pagpanaw ni Susan Roces, maybahay ng namayapang si Da King, Fernando Poe, Jr nitong Biyernes ng gabi due to heart attack sa edad na 80.

Ginampanan ni Ms Susan ang karakter na Lola Flora ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin at ate naman ni Lolo Delfin played by Jaime Fabregas.

Kasalukuyang nasa huling cycle na ng lock in taping ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Ilocos Sur dahil magtatapos na ito sa July 2022.

Kailanganng tapusin na ang paghahasik ng kasamaan nina Lorna Tolentino as Lily Hidalgo, John Arcilla bilang si Renato Hipolito at Richard Gutierrez na si Lito Balmoria plus Don Ignacio na ginampanan ni Tommy Abuel.

Samantala, magpapamisa ang buong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong 7:30PM sa Vitalis Vilas Chapel, Santiago, Ilocos Sur.

Luluwas ang buong team bukas, Linggo para makasama sa pamisa kay Ms Susan na gaganapin sa Heritage Park, Taguig City kung saan naka-burol ang tinaguriang Queen of Philippine Movies at pagkatapos ay babalik din ng Ilocos Sur para sa lock in taping ng FPJAP.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

* * *

Most viewed Asian drama pa rin sa Viu Philippines ang “The Broken Marriage Vow” at maganda naman ang naging panimula ng “2 Good 2 Be True” dahil number one ito sa Top 10 list ng movies at TV shows sa Netflix Philippines.

Lubos ang pasasalamat ng direktor ng “The Broken Marriage Vow” na si Concepcion Macatuno sa pagtangkilik ng mga tao sa kanilang palabas.

“Nagpapasalamat kami na patuloy na nakaka-relate ang mga tao sa mga karakter ng palabas at kani-kanilang kwento. Maraming salamat po. Nag-uumapaw ang aming puso ng saya dahil sa inyong pagmamahal at suporta,” saad niya.

Ibinahagi naman ng “2 Good 2 Be True” director na si Direk Mae Cruz Alviar na kinabahan pa ang lead stars ng palabas na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong sinisimulan pa lang nilang gawin ang serye.

“Noong first day nila sabi nila kung marunong pa sila umarte. Parang sobra silang kinakabahan. Syempre it’s been a long time,” sabi niya.

Ikwinento pa niya kung paano nagdalawang-isip si Kathryn. Aniya, “Kath, sorry I have to tell this story. It was simple. No dialogue, titingin lang siya sa TV. Nagbigay ako ng vocal cues and all. Ginawa niya tapos hindi pa ako nagcu-cut, sigaw niya ‘Ahhh!’ Gumanun siya. Sabi ko, ‘What’s wrong?’ Sabi niya, ‘Direk, parang hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko.’”

Mas aalab pa ang gabi ng mga manonood ng “The Broken Marriage Vow” dahil mas tumitindi ang gulo, banggaan, at gantihan sa pagitan nina Dr. Jill (Jodi Sta. Maria) at David (Zanjoe Marudo), lalo pa at may nangyari sa kanilang dalawa habang naiwang walang kamalay-malay dito si Lexy (Sue Ramirez). Nariyan din ang problema nila sa anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla) – na naiipit sa hidwaan ng kanyang mga magulang.

Samantala, lumiliit na ang mundo para kina Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn) matapos patuloy na naghahanap ang babae ng ebidensiya para makatulong maresolba ang nakawan sa hotel. Sa paghahanap ni Eloy sa dalaga, malalaman niyang nurse pala ito sa parehong ospital kung saan naka-admit ang tatay ni Tox (Gillian Vicencio) na si Mang Ben (Earl Ignacio). Abangan ang susunod nilang pagtatagpo at kung malusutan ba ni Eloy ang ginagawang imbestigasyon ni Ali.

Mauna na at panoorin ang mga kaganapan sa “The Broken Marriage Vow” sa Viu at iWantTFC. Mapapanood din ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Tutukan din in advance ang gumagandang kwento ng “2 Good 2 Be True” sa Netflix at iWantTFC. Subaybayan din ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV, at Cinemo.

Related Chika:
‘Ang Probinsyano’ nalalapit na ang katapusan, sey ni Cristy Fermin: Siguro naumay na rin mismo si Coco?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Ang Probinsyano’ hindi pa rin matatapos; Sharon nabitin sa taping

John Prats direktor na sa ‘Ang Probinsyano’; di na tutuloy sa ‘It’s Showtime’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending