Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika? | Bandera

Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika?

Reggee Bonoan |May 21,2022
facebook
share this

Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika?

Reggee Bonoan - May 21, 2022 - 06:01 PM

Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika?

NATULOY kaya si Kris Aquino patungong Houston, Texas USA noong Huwebes, May 19 para sa long term gamutan niya para sa mga sakit niya?

Ito kasi ang petsang binanggit ni Kris sa kanyang huling post sa Instagram account niya na sana maging okay ang lahat ng series of check up at tuloy na siya sa nasabing araw.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay walang bagong update si Kris at nagtanong din kami sa taong malapit sa kanya ay wala ring alam dahil ang huling pag-uusap nila ay nu’ng araw na nag-post ang Queen of Social Media, May 16, Lunes.

Nakita namin sa video post ni Kris na kasama niya si Bimby kaya sa madaling salita ay nandito ang anak niya.

Samantala, napanood namin ang latest “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio na in-upload kagabi na inihabilin na raw ni Kris ang mga anak sa mga kapatid in case may mangyari sa kanya.

“Habang ng-uusap po kami ngayon si Kris ay nakatakdang umalis papuntang Houston, Texas noong Huwebes sana ay natuloy siya at binigyan na po ng mga permiso ng mga duktor niya dito sa Pilipinas na makapag biyahe ng mahigit na labing dalawang oras,” bungad ng batikang manunulat at SNN host.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

 

“Matagal-tagal din ‘yun Ate Cristy lalo na sa isang maysakit,” sambit ni Morly.

“Oo nga at saka ang BP (blood pressure) fluctuating, eh. Akyat –baba, taas-baba napakahirap lalo nap ag nasa eroplano lalo na ‘yung pressure, napaka-delikado,” paliwanag pa ni ‘nay Cristy.

Sabi naman ni Romel “At saka ‘nay nakakalungkot talagang isipin na bakit ang haba-haba na ng itinatakbo ng kanyang karamdaman?”

Pagpapatuloy ni nanay Cristy, “at sa kanya na rin po nanggaling na, “I’m always honest” bilang pagbibigay na rin po niya ng pagpapahalaga sa ating mga kababayan lalo na sa kanyang mga tagahanga,m ina-update niya tayong lahat. Tapos pagdating niya ng Houston, Texas magki-chemo therapy na si Kris.”

Hirit naman ni Romel Chika, “tapos ‘nay pag nagpa-chemo, ito na ‘yung pagbabagong anyo?”

Sinang-ayunan naman ito nina ‘nay Cristy at Morly.

“Oo, ito na ‘yung nalalagas na ang buhok at saka hindi ito isang taon na gamutan lang, baka raw dalawa (taon).

“At saka ito po ang nakakalungkot na kuwento rin naman mula sa kanilang pamilya na si Kris daw ipinagbibilin na sina Josh at Bimby sa kanyang mga kapatid.

“Nagsiguro kasi siya na kung anuman ang mangyari sa kanya alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin.

“Ako’y naawa kina Josh at Bimby kasi napakabata pa para mawalan ng ina kung talagang ito ay wala ng kalunasan lalo si Josh,” paliwanag mabuti ni nanay Cristy.

Kaya tanging hiling nina ‘nay Cristy, Romel at Morly sa lahat ay mataimtim na panalangin para sa paggaling ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris na-high blood kaya hindi natuloy ang paglipad pa-Amerika, may hiling kay Angel

‘Pagpanaw’ ni Kris Aquino fake news, tuloy ang pagpapagamot sa US

Kris mas lumalala pa ang sakit, kailangan nang magpa-chemo: We found out life threatening na yung illness ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending