Mga Laro Ngayon
(MOA Arena)
4:15 p.m. Air21 vs Alaska
6:30 p.m. Ginebra vs
Talk ‘N Text
Team Standings: Petron Blaze (8-1); San Mig Coffee (6-3); Meralco (5-4); Rain or Shine (5-4); Alaska Milk (4-4); Global Port (4-5); Barako Bull
(4-5); Barangay Ginebra (3-5); Talk ‘N Text (2-6); Air21 (2-6)
BUHAY at kamatayan ang nakataya sa pakikipagtunggali ng Talk ‘N Text at Air21 sa magkahiwalay na kalaban sa pagtatapos ng maikling elimination round ng 2013 PBA Governors’ Cup mamaya sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Makakalaban ng Tropang Texters ang Barangay Ginebra sa ganap na alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng alas-4:15 ng hapon na sagupaan ng Express at Alaska Milk.
Kapwa may 2-6 records ang Talk ‘N Text at Air21 at kung matatalo sila mamaya ay tuluyan na silang malalaglag at hindi makakapasok sa quarterfinals.
Kung mananalo naman siya ay makakatabla nila ang Barangay Ginebra na sa kasalukuyan ay may 3-5 karta matapos na matalo sa Global Port, 113-106, noong Biyernes.
Ang Alaska Milk ay may 4-4 record at nakapasok na sa susunod na yugto. Hangad ng reigning Commissioner’s Cup champion na wakasan ang elims sa pamamagitan ng panalo upang makakuha ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Nagpalit ng import ang Tropang Texters at kinuha si Courtney Fells bilang kahalili ni Tony Mitchell. Bagamat maganda ang naging mga numero nito ay natalo pa rin ang Talk ‘N Text sa Rain or Shine, 104-102, noong Miyerkules.
Sa kabila nito ay naniniwala si TNT coach Norman Black na gaganda pa ang performance ng Tropang Texters dahil alam nilang hawak pa nila ang kanilang kapalaran.
( Photo credit to INS )