Judy Ann Santos, John Prats, Bela Padilla, Bong Revilla nagluluksa sa pagkawala ni Susan Roces | Bandera

Judy Ann Santos, John Prats, Bela Padilla, Bong Revilla nagluluksa sa pagkawala ni Susan Roces

Therese Arceo |May 21,2022
facebook
share this

Judy Ann Santos, John Prats, Bela Padilla, Bong Revilla nagluluksa sa pagkawala ni Susan Roces

Therese Arceo - May 21, 2022 - 10:51 AM

Judy Ann Santos, John Prats, Bela Padilla, Bong Revilla nagluluksa sa pagkawala ni Susan Roces

NAGLULUKSA ngayon ang buong Philippine showbiz industry matapos mapabalita ang pagpanaw ng Queen of Philippine movies na si Susan Roces.

Marami ang nagulat nang kumpirmahin ng anak nitong si Senator Grace Poe ang balita nitong Biyernes ng gabi, May 20.

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces,” saad ni Sen. Grace.

Pagpapatuloy niya, “She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends. She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness.

“She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe)

Hindi na rin kataka-taka na marami sa mga artista lalo na ang mga nakasama ng nag-iisang Queen of Philippine movies ang kanilang kalingkutan sa pagkawala ng isa isa mga haligi ng industriya.

“Mamimiss ka po naming lahat. Lalo na po ang pag aalaga at pag papakain nyo sa amin sa set,” saad ng direktor at isa sa cast ng “Ang Probinsyano” na si John Prats sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan nilang magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

Isa ang naturang teleserye sa mga huling proyekto na ginawa ni Susan kung saan gumanap siya bilang si Lola Flora.

“Mamimiss ko yung mga kwento nyo sa amin. Mahal na mahal ka po naming lahat Lola Flora. Maraming salamat po sa mga naituro nyo sa amin. Napakaswerte ko at nakatrabaho at nakasama ko kayo. Rest in Peace po,” pagpapatuloy ni John.

Maski si Bong Revilla ay nakikiramay sa pamilya at mga naiwan ni Tita Susan.

“Nagluluksa ang buong industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies, Susan Roces.

“Higit sa kanyang mahusay na pagganap at hindi malilimutang papel sa pinilakang tabing at sa telebisyon, higit na tumatak sa lahat ng mga nakakakilala at nagmamahal sa kanya ang kanyang mabuting puso.

“Labis ang aming pangungulila sa pagkawala ng isang haligi at yaman ng pelikulang Pilipino.

Ninang Susan, you may be gone but you will forever be in our hearts. Rest In Peace in the loving arms of our Lord,” pagbabahagi niya sa kanyang Facebook post.

Isang video naman ang alay ng aktres na si Bela Padilla para sa yumaong ina ni Sen. Grace Poe.

“I will keep you close to my heart and remember you fondly forever, Tita Sue,” caption ng dalaga sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Labis na lungkot naman ang nadarama ni Judy Ann Santos matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Tita Susan.

“Nakakalungkot… pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong makilala at makasama ang nag iisang reyna ng pelikulang pilipino,” simula ni Juday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Aniya, hinding-hindi niya malilimutan ang lahat ng mga pinagsamahan nila maging ang mga halakhak at payo nito na paniguradong ibabahagi niya ron sa mga nakababatang henerasyon ng mga artista.

“Your generosity, your genuine love and words of wisdom.. yung pag spoil mo sakin sa taping ng probinsyano, yung masarap at mahigpit mong yakap tuwing nagkikita tayo.. yung malutong na tawa mo at tapang ng loob sa maraming bagay.

“At higit sa lahat.. yung tunay na pagmamahal at pakikipag kapwa tao ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan.. lahat ng itinuro mo sakin.. sisiguraduhin kong ipasa sa iba pang mga kabataang asa industriya natin.. rest in peace tita Susan.”

Pumanaw ang biyuda ni Fernando Poe Jr. sa edad na 80 years old.

Related Chika:
Susan Roces pumanaw na sa edad 80, buong showbiz industry nagluluksa

Susan Roces 80 na today; ‘School at Home’ ng Knowledge Channel wagi sa CSR Guild Awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending