MAY nakakatawang komento ang isa sa mga tumakbong senador ngayong 2022 elections na si Teddy Baguilat Jr. sa mga nangunang senador na sina Robin Padilla at Raffy Tulfo.
Ibinahagi kasi ni Raffy Tulfo na mag-aaral ito ng Public Administration para matulungan siya sa kanyang trabaho bilang isa sa mga senador.
“Good thing sina Sen. Raffy and Sen. Robin e mag-aaral ng public ad para sa Senado,” saad ni Baguilat sa kanyang tweet ngayong araw, May 20.
Birong dagdag pa niya, “Kami naman na dati nag-aral sa government e kailangan naman magpasikat o mag-artista. Charot. Hehe.”
Good that sina Sen Raffy and Sen Robin e mag aaral ng public ad para sa Senado. Kami naman na dati ng aral sa government e Kailangan naman magpasikat o mag artista. Charot. Hehe https://t.co/ssTbN64FmF
— Teddy B. Baguilat (@TeddyBaguilatJr) May 20, 2022
Isa si Teddy Baguilat Jr. sa mga senador na tumakbo sa ilalim ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Samantala, sa panayam naman ni Raffy Tulfo sa CNN Philippines ay sinabi niyang binabalak nga niyang mag-aral ng Public Administration.
“I know what I’m doing kasi meron akong karanasan sa mga batas na ipapasa ko. However, I still need to learn. It’s a learning process. I still need to study kaya nga mag-aaral ko,” pahayag ni Tulfo.
Sa kabilang dako naman ay nauna nang sabihin ni Robin na kukunin niya ang dating presidential spokesperson na si Atty. Salvador Panelo bilang kanyang legislative consultant, adviser, at mentor pagdating sa senado.
“Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado. Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution,” saad ni Padilla sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa niya, “Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado. Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon.”
Related Chika:
Type n’yo…tambalang Yorme-Tulfo kasado na sa Eleksyon 2022?
Raffy Tulfo nalagasan ng libu-libong subscribers sa YouTube, dahil nga kaya sa pagkanta sa ASAP?
Raffy Tulfo nagpaalam na sa Idol in Action at Frontline Pilipinas