Angelica Panganiban naiyak sa regalo ni Juday, gustong burahin ang kagagahang ginawa noon | Bandera

Angelica Panganiban naiyak sa regalo ni Juday, gustong burahin ang kagagahang ginawa noon

Therese Arceo |May 20,2022
facebook
share this

Angelica Panganiban naiyak sa regalo ni Juday, gustong burahin ang kagagahang ginawa noon

Therese Arceo - May 20, 2022 - 12:23 PM

Angelica Panganiban naiyak sa regalo ni Juday, gustong burahin ang kagagahang ginawa noon

HINDI napigilan ng aktres na si Angelica Panganiban dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa mga malalapit na kaibigan.

Labis ang tuwang nararamdaman ng soon-to-be-mom mula sa mga regalong ipinadala sa kanya ng mga kaibigan gaya ni Judy Ann Santos na ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories.

“Ang sarap mag-alaga at magmahan ng nag-iisang ate @officialjuday,” saad ni Angelica.

Aniya, sigurado raw siyang hindi lang dahil sa hormones ang dahilan ng kanyang pag-iyak matapos makita ang mga regalong sleepwear at ilang mga essentials for pregnant women.

“Sure akong hindi hormones ang nagpaiyak sakin. Talagang nakakaiyak yung care na nakukuha ko mula sayo ate,” pagpapatuloy pa ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Thank you and we super love yoy ninang.”

Matagal nang nasa industriya sina Angelica at Judy Ann ngunit mas naging close ang dalawa mataposmagsama sa pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” noong 2018.

Samantala, nakatsikahan ni Meryll Soriano si Angge sa kanyang YouTube channel kung saan ikinuwento nito ang kanyang mga pinagdaanan habang nagdadalangtao.

Pag-amin ni Angelica, halos isang taon na rin nilang sinusubukan ng kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan ang magbuntis ngunit palagi rin daw silang bigo.

Ibinahagi rin ni Angge na marami silang isinakripisyo at iniwasang mga nakasanayang gawin noon pero hindi pa rin sila nagtagumpay hanggang sa nitong last quarter ng 2021 ay tila napansin na niya ang pagbabago sa sarili dahil nagiging maldita na raw siya at mainitin ang ulo.

“Napakamaldita ko. Nagiging halimaw talaga ako. Hindi namin alam kung bakit. Iyun na pala iyun. Napakametikuloso ko sa mga bagay bagay,” pagkukwento ni Angelica.

Dagdag pa niya, nakumpirma lamang niya na nagdadalangtao siya nang nagsagawa siya ng pregnancy test noong magkakaroon na sila ng lock-in taping para sana sa sitcom nito kasama sina Piolo Pascual.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Kaya naman nang malaman nila ang resulta ay kinakailangan niyang umatras sa naturang proyekto dahil sa kanyang dinadala.

“Pumunta lang ako sa set, umihi tapos umalis din. Kapapasok ko lang. Napaka-diva ng anak ko di ba? Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko,” dagdag pa ni Angelica.

Sa ngayon ay abala siya sa pag-aaral at pagre-research ukol sa pagbubuntis at aminado siya na medyo naloloka siya sa mga nababasa at napapanood niya sa YouTube kaya naman mas pinili niya na lang matuto on her own.

“Totoo yung term na nakaka-overwhelm everyday. Gusto ko siyempreng matuto on my own. Sure naman ako na marami akong matutunan,” ani Angelica.

At ngayon ngang unti-unti nang nada-digest ni Angge na magiging ina na siya ay naiisip niya na kung pwede bang i-delete na lang daw ang mga pinagsasasabi niya sa mga interview noong mga kabataan days niya dahil sa mga kalokohan na ginawa niya.

“Diyos ko! Pag na-research ‘to ng anak ko, maibabalik sa akin ‘yung mga pagkakamali ko nun. Kailangan ko na lang magawan ng paraan ito para maging positive ito sa kanya,” natatawang saad ni Angge.

Bagamat tanggap na ni Angelica na mahihirapan na siyang muling bumalik sa pagtatrabaho kapag nagsimula na siyang maging ina dahil sigurado siyang hindi niya kayang iwan ang anak.

“I’m sure mami-miss ko, mami-miss ako ng mga tao. Mami-miss ko talaga. Ngayon pa lang nami-miss ko na e. Pero hindi e. Iba e. Matagal ko ‘tong hinintay e.

“Wala akong tanging pangarap sa buhay ko kundi magkaroon ng sarili kong pamilya,” seryosong sey ni Angge.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending