Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng 'Dirty Linen', comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!! | Bandera

Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!

Ervin Santiago |May 18,2022
facebook
share this

Francine Diaz, Seth Fedelin magtatambal sa seryeng ‘Dirty Linen’, comment ni Andrea Brillantes: Congrats!!!

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 01:26 PM

Andrea Brillantes, Francine Diaz at Seth Fedelin

TINUPAD na ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang hiling ng mga fans na pagtambalin sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa isang project.

Yes, muling magkakasama ang dalawa sa mga miyembro ng The Gold Squad sa upcoming Kapamilya drama series na “Dirty Linen”.

Ibinandera ito kahapon, May 17, ng Dreamscape kasabay ng pagpapakilala sa iba pang cast members ng bago nilang teleserye.

Makakasama nga sa “Dirty Linen” dina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo, sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay.

Ka-join din sa bagong drama series ng ABS-CBN sina Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Nanding Josef, Soliman Cruz, Epy Quizon, JC Santos, Christian Bables, Aubrey Miles, CJ Navato, Xyriel Manabat, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi, at Jennica Garcia.

Sa kanyang Instagram account, masayang ibinahagi ni Francine sa kanyang fans and social media followers ang good news.

Aniya, excited na siyang makatrabaho ang mga co-stars nila sa serye pati na ang magagaling nilang direktor. Nagpasalamat din siya sa Dreamscape na isa siya sa mga napiling magbida sa “Dirty Linen.”

Samantala, nag-post din si Seth sa kanyang IG account tungkol sa bago nilang project at sa bago niyang leading lady.

“Maraming salamat po sa itaas at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


“Salamat din po sa mga co-actor at mga direktor ko po dito na magsisilbing guro at mga kaibigan. Excited na po akong makasama kayo! @dreamscapeph @abscbn, maraming salamat po sa inyo!” mensahe ng young actor at dating ka-loveteam at ex-boyfriend ni Andrea Brillantes.

Tinag pa ni Seth si Francine sa kanyang IG post at nagsabing, “At syempre good luck and congrats sa atin.”

Bumaha naman ng heart emojis at positive comments sa post ni Seth, kabilang na ang dati niyang katambal na si Andrea Brillantes. Comment ng dalaga, “Congrats!!!” na sinundan pa ng blue heart, smiling face, at sparkle emojis.

Una nang nagkasama sa seryeng “Kadenang Ginto” at “Huwag Kang Mangamba” sina Seth at Francine kasama ang mga dati nilang ka-loveteam na sina Kyle Echarri at Andrea.

Ito ang unang pagkakataon na magtatambal sila sa isang project kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang respective fans na matagal nang nananawagan sa management na bigyan na ng serye ang dalawa bilang mag-partners.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

Payo ni BB Gandanghari kina Aljur at Kylie: Keep your dirty linens in the washroom

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending