Sanya game na game maging ka-loveteam si Glaiza sa lesbian series: Pwede kaming magdyowa para maiba naman

Glaiza de Castro at Sanya Lopez

SUPER happy ang mga Kapuso leading lady na sina Glaiza de Castro at Sanya Lopez nang muling magkita at magkachikahan makalipas ang mahabang panahon.

Ito’y naganap sa isang online event ng GMA sa TikTok last Monday, May 16, kung saan kitang-kita nga ang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Naging close ang dalawang aktres nang magkasama sa hit action-fantasy series ng GMA 7 na “Encantadia” kung saan gumanap sila bilang Pirena at Danaya.

Aminado sina Sanya at Glaiza na talagang super na-miss nila ang isa’t isa dahil matagal-tagal din silang hindi nagkikita at nagkaka-bonding.

In fairness, parehong umaariba sa ratings game ang kani-kanilang serye sa GMA, ang “False Positive” nina Glaiza at Xian Lim at ang super blockbuster romcom series nina Sanya at Gabby Concepcion na “First Lady”.

Sa isang bahagi ng pagchichikahan ng dalawang aktres, napag-usapan nga kung anu-ano pang projects ang nais nilang gawin in the future after nga nilang magsama sa “Encantadia.”

Mabilis na sumagot ni Sanya na kung bibigyan sila uli ng project ni Glaiza, gusto niyang magtambal sila sa isang GL o girls’ love series.


“As magdyowa, para maiba naman, para may bagong mapapanood sa amin ang mga tao,” sey ni Sanya.
Hirit ni Glaiza, kapag ganitong genre ang gagawin nila ni Sanya dapat daw ay magkaroon sila ng matindihang acting workshop para may bago silang image na ihahain sa viewers.

“Dapat meron tayong workshop dito kasi kailangan kong alisin ‘yung image mo na si Danaya or si Melody ka, matindi-tinding preparation,” pahayag ni Glaiza.

Actually, gumanap na si Glaiza noong 2015 sa isang Kapuso serye bilang lesbian lover ni Rhian Ramos, ang kontrobersyal girls love series na “The Rich Man’s Daughter”.

At sa naging experience raw ni Glaiza sa ganitong klase ng programa, hindi raw madali ang bumuo ng chemistry sa pagitan ng dalawang female characters.

“Hindi kasi siya instant, e. Wala kaming workshop ni Rhian at all pero nag-workshop kami as we tape or as we shoot, do’n nabuo ‘yung chemistry.

“So sa atin (Sanya) para lang maalis ko ‘yung past characters ko dahil noong time na ginawa namin ‘yung Rich Man’s Daughter, ang tagal kong hindi nakatrabaho si Rhian.”

“So, parang wala akong preconceived notion na kung sino siya so feeling ko naging instant kasi wala siyang image na katulad sa ‘yo na Danaya or Melody,” paliwanag niya.

Pero sey ni Glaiza, game na game rin siya na maka-loveteam si Sanya sa isang GL series. Aniya pa, pwede raw tawaging LoRo (pinagsamang apelyido nila na Lopez at De Castro) ang kanilang tambalan kung sakali.

https://bandera.inquirer.net/284489/glaiza-naghahanda-na-sa-pag-aasawa-kailangan-ko-nang-maging-financially-independent

https://bandera.inquirer.net/289002/sanya-lopez-inaming-ideal-man-si-daniel-padilla

https://bandera.inquirer.net/284605/glaiza-iiwan-ang-pag-aartista-para-sa-pamilya-pangarap-ko-talagang-maging-ina

Read more...