AYAW munang lagyan ng label ng Kapamilya loveteam na sina Alexa Ilacad at KD Estrada kung anuman relasyong meron sila ngayon.
Parehong aminado ang dalawang bagets na nag-level up na ang kanilang special friendship pero wala pa ito sa puntong papunta na sa isang serious relationship or commitment.
Humarap sa ilang members ng entertainment press at vloggers ang tambalang KDLex pagkatapos ng special screening ng first digital series nila together sa ABS-CBN, ang iWantTFC’s original series na “Run To Me.”
Dito nga sila natanong ni Alexa kung ano na ba talaga ang real score sa kanila at kung posible bang mauwi sa totohanan ang kanilang pagiging screen partners.
Sagot ni KD, “We see each other as partner material talaga, for long term. But right now, especially with our busy career, with our busy schedule, we don’t want to put a label. It’s gonna be high maintenance but I don’t mind naman maintaining her.”
Dagdag pang paliwanag ng young actor-singer, “I don’t know what’s gonna happen in the future. None of us know. But yes, Alexa is very, very girlfriend material.
“Gusto ko lang sabihin na alam ko na whatever happens, Alexa, she’s very important in my journey,” sey pa ni KD.
Halos ganito rin ang naging sagot ni Alexa. Aniya, hindi naman daw sila nagmamadali ni KD at mas gusto nilang mag-focus muna sa kanilang career dahil ayaw nilang sayangin ang mga dumarating na opportunities at blessings.
Pero ipinagdiinan ni Alexa na boyfriend material naman talaga si KD at marami pa siyang nadi-discover na magagandang qualities nito.
Samantala, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si KD na may series na sila ni Alexa together as loveteam. Isa raw itong dream come true para sa kanya.
“Kasi naaalala ko dati, when I was young, parang nakikita ko lang ang kasama ko ngayon sa TV. I never thought na magiging artista ako. Seeing myself on the huge screen with Alexa, grabe, I made it this far,” pahayag ni KD.
Unang nagkakilala sa loob ng Bahay ni Kuya bilang celebrity housemates para sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”, ngayon ay isa na sila sa mga Kapamilya love team na talagang tinitilian at kinakikiligan ngayon ng mga fans.
Napi-feel na ba nila ang pressure ngayon bilang isa sa pambatong tambalan ng Kapamilya network? Sagot ni KD, “I just wanna say na I don’t see other love teams as competition kasi iba naman kami ni Alexa.”
Tutukan ang pagsisimula ng “Run To Me” sa Kumu ngayong May 20 at sa iWantTFC sa May 21. Directed by Dwein R. Baltazar, this is produced by ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment, iWantTFC and Kumu.
Kasama rin dito sina Malou Crisologo, CJ Navato, Karl Gabriel, Ivan Carapiet, Margaux Montana, Henz Villaraiz, Matty Juniosa at Haira Palaguitto.
https://bandera.inquirer.net/312515/alexa-ilacad-umamin-na-kay-kd-estrada-i-dont-fear-the-future-anymore-because-i-have-you-with-me
https://bandera.inquirer.net/308038/start-up-nina-alden-at-bea-lelebel-sa-descendants-of-the-sun-nina-dingdong-at-jennylyn
https://bandera.inquirer.net/313277/ruffa-hindi-nagmamadali-sa-love-life-malay-mo-ending-ko-pinoy-naman-talaga