KAHIT madalas napapasabak sa mga gay movies o boy’s love projects, sumusumpa sina Oliver Aquino at Migs Almendras na babae pa rin ang gusto nilang dyowain.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Oliver ay ang dating child actor mula sa ABS-CBN na nakasama sa boy group na Anime. Dito niya nakasama sina Rayver and Rodjun Cruz, John Wayne Sace at Sergio Garcia.
Marami-rami na rin siyang nagawang indie movies na karamihan ay idinirek ni Jay Altarejos tulad ng “Kasal”, “Tale of the Lost Boys”, “TPO Miguel”, “Gino to Marie”, “Love and Pain in Between Refrains” at “Walang Kasarian ang Digmang Bayan”.
At ngayon nga ay muli silang nagkatrabaho ni Direk Jay para sa Vivamax’ BL movie na “Memories of a Love Story” na magsisilbi ring reunion project nila ni Migs Almendras.
Sa virtual mediacon ng “Memories of A Love Story” kamakailan, natanong si Oliver kung ano’ng feeling na nagkasama sila uli ni Direk Jay sa isang pelikula.
“I have learned so much from him, so kapag siya ang tumawag, okay ako agad. I really trust him and I know hindi niya ako ipapahamak as I am in good hands,” pahayag ng aktor.
Iikot ang kuwento ng “Memories of a Love Story” sa isang lalaking nagbalik sa kanilang tahanan sa Bicol para doon isaboy ang abo ng namayapa niyang ina.
At sa kanyang pagbabalik sa probinsya, muli silang magkikita ng dati niyang kababata na naging karelasyon niya noon. Dito nga muling mabubuhay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Nakaka-relate ba siya sa kuwento ng movie? “Yes, I’ve had a girlfriend before, but our relationship did not prosper. Pero noong ikinasal siya in 2019, she even invited me. Doon ko nakitang masaya na siya at dahil doon, naka-move on na rin ako.”
Para naman kay Migs, super na-excite siya nang malamang makakatrabaho niya uli si Oliver, “Actually, nagkasama na kami before in ‘Walang Kasarian ang Digmaang Bayan’.
“Kaso, hindi ako napasama sa final print kasi na-edit out ‘yung scenes ko dahil nawala yung isang character.
“So bitin ‘yung una naming pagtatrabaho, kaya when I learned I will work with Oliver again, okay lang sa akin as I already feel comfortable with him,” kuwento ng aktor.
Samantala, natanong din si Migs tungkol sa isa pang tema ng pelikula — ang issue ng pagkakaiba sa katayuan o estado ng buhay ng mga karakter nila ni Oliver. Naranasan na ba niya ito sa tunay na buhay.
“Yes, may girl na gusto ako before, but she’s the valedictorian in our class. May kaya sila, e ni wala akong sasakyan, so ni hindi ko siya maihahatid pauwi sa kanila. I consider her the one who got away from me,” pagbabahagi ng binata.
At sa question nga kung may isang bading na biglang umamin sa kanya na love na love siya kahit na alam nitong straight siya, “I will praise him kasi he’s brave enough to admit his feelings for me, but I will explain to him na we just have to be friends kasi I’m not into gay relationships.”
https://bandera.inquirer.net/296599/migs-villasis-lumaki-sa-tropa-ng-buble-gang-kimson-tan-gustong-maging-action-star
https://bandera.inquirer.net/282954/pokwang-itutuloy-ang-pantry-sisters-nakakaluwag-naman-kami-so-tulungan-lang-lahat-tayo
https://bandera.inquirer.net/303198/alodia-wil-may-magkaibang-sagot-sa-hugot-ng-architect-na-nag-design-sa-kanilang-dream-house