“YUNG asawa mo is badass!” Ganyan inilarawan ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Paul Soriano ang asawa nitong si Toni Gonzaga.
Ito’y matapos na namang maging hot topic ang TV host-actress sa social media dahil sa mga cryptic message na ipinost niya sa Instagram kamakailan.
Nitong nagdaang May 15, nagbahagi ng dalawang Bible verse ang dating Kapamilya actress kung saan nakasaad ang mga katagang “loving your enemies and doing good.”
Nauna rito, may ibinahagi ring mensahe ang tinaguriang Ultimate Multimedia Star na nakipaglaban nga para sa UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Kalakip nito ang ilan niyang litrato na kuha sa naganap na miting de avance ng UniTeam sa Parañaque City noong May 7, 2022.
“In the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone,” ang sabi ni Toni sa caption.
Samantala, nito nga lang nagdaang Sabado nagkomento si Bongbong Marcos tungkol sa katapangan at paninindigan ni Toni na dinedma lahat ng pamba-bash sa kanya nang dahil sa politika.
“We should congratulate them to the fine work that they did. In front of me is Miss Toni Gonzaga. Sabi ko nga sa kanya kanina… na siya ang nag-start ng kampanya na ito, kasi noong pumutok ‘yung kanyang interview sa akin at siyempre criniticize siya, ang tapang tapang nito, hindi ko akalain.
“I didn’t expect that, this elegant lady, would be able to withstand these criticisms. Sabi ko nga kay Paul, ‘Yung asawa mo is a badass, kaya niyang lahat harapin.’ Nag-10 million, 11 million na ‘yung aming interview, sabi ko may pag-asa siguro tayo, baka puwede na nating itakbo,” pahayag ni BBM na siya ngang bagong uupong pangulo ng Pilipinas.
Bukod kay Bongbong, pinuri rin ng controversial director na si Darryl Yap ang mag-asawang Toni at Paul sa pagtindig sa kanilang pinaniniwalaan at ipinaglalabang mga kandidato.
“Kung meron mang mas nauna pa sa kahit na sino sa showbiz ngayon na tumindig at humawi ng agam-agam ng lahat ng natatakot magsalita para kina #BBMSARA2022, sila yun.
“Sulit ang pagcancel ng iilan, para sa pagtanggap ng mas nakararami.
“Hindi sapat ang mga salita ng susunod na Presidente para ilarawan ang ambag ninyong mag-asawa sa tagumpay ng 31 Million Filipinos na ating ibabahagi sa mga patuloy na nagdududa at nangangamba.
“Thank You and Congratulations Direk Paul Soriano and Toni Gonzaga!” mensahe ni Direk Darryl.
https://bandera.inquirer.net/280850/toni-umaming-hindi-rin-perfect-ang-pagsasama-nila-ni-paul-parang-cooking-lang-yan
https://bandera.inquirer.net/300467/hirit-ni-bongbong-kay-direk-paul-soriano-ano-ang-sikreto-mo-at-fresh-ka-kahit-nasa-initan
https://bandera.inquirer.net/281026/hirit-ni-alex-kay-toni-pag-may-away-sila-ni-paul-iwan-mo-na-yan-turuan-mo-ng-leksyon